Latest News

Nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna ang ordinansang nagbibigay ng P2,000 sa mga graduates ng PLM at UDM.

ORDINANSANG MAGBIBIGAY NG P2K SA PLM AT UdM GRADUATES, NILAGDAAN NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

NILAGDAAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Ang bagong cash incentive ay nakapaloog sa Ordinance Number 9068, na ipinanukala ni Manila City Council by Councilor Pamela Fugoso-Pascual at majority floorleader Councilor Ernesto C. Isip, Jr bilang principal authors. Ang PLM at ang UdM ay itinatag, pinopondohan at pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.


Ayon kay Lacuna, ang “Taas-Noo Manileño Graduation Gift Ordinance 2024” ay layong magbigay sa mga magsisipagtapos sa UdM at PLM Ng cash gifts at ito ay epektibo na sa schoolyear 2023 – 2024.

Binigyang -diin ni Fugoso na ang nasabing insentibo ay ipinagkakaloob “in recognition of the vital role of the youth in society and nation-building.”

“Both premier universities have produced graduates that have become significant contributors to nation building, bearing the ideals and aspirations of every Manileno,” ayon naman kay Isip.


Ang bawat recipient ay dapat na enrolled at bonafide Manila resident at mayroong good standing sa UdM o PLM.

Samantala, ipinapanalangin umano ni Lacuna ang matagumpay na paggaling ng back injury ni Olympian pole vaulter EJ Obiena at kasama sa dalangin ng alkalde ang mabilisang paggaling nito.


Matatandaan na si Obiena ay pinagkalooban ng P.5 million cash incentive ng Manila city government kamakailan dahil sa fourth place finish nito sa 2024 Paris Oympics.

Si Obiena ay isang ‘true-blue Manileño’ na tumira at lumaki sa Tondo at nag-aaral sa University of Santo Tomas (UST).


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like