Inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na magkakaroon ng pagbabago sa oras ng operasyon ng Manila Zoo dahil sa holiday season.
Batay sa ulat ni Parks and Recreation Bureau chief Roland Marino, sinabi ni Lacuna na ang Manila Zoological and Botanical Garden ay magbubukas ng Disyembre 24 at 31 mula 9 a.m.hanggang 6 p.m.
Sa Disyembre 25, 2023 at Enero 1, 2024 naman, ang oras ng operasyon ay mula 12 p.m. haggang 8 p.m.
Napag-alaman pa kay Marino na mula Disyembre 26 hanggang 28, ang Manila Zoo ay bukas mula 9 a.m. hanggang 8 p.m. at sa Disyembre 29 hanggang 30, ang operasyon ay mula 9 a.m. hanggang 10 p.m.
Samantala, inihayag din ni Lacuna na sarado muna ang Manila Clock Tower Museum sa reservation at viewing sa Disyembre 26.
Babalik umano ang operasyon ng museum sa Disyembre 27, 2023.














