Latest News

OFW, PINATAY SA SAKAL NG KINAKASAMA

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang 27- anyos na babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) matapos sakalin gamit ang sinturon ng kanyang kinakasama sa kasagsagan ng kanilang pag-aaway sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PCapt Dennis Turla, ang biktimang si Flordeliza at kalive-in na si Jhunrey Bastasa, 33 ,construction worker, ay nag-away sa kanilang tahanan sa No. 584-7A Gumamela St., Barangay 704, Malate, Maynila .

Naganap umano ang insidente sa loob ng kuwarto ng kanilang bahay habang nag-iinuman ang dalawa dakong 8:40 ng gabi.

Maya-maya pa ay nagkaroon na umano ang dalawa ng matinding pagtatalo na nauwi sa pagsakal ng suspek ng sinturon sa biktima hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Tumakas ang suspek pero kalaunan ay sumuko sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO ) na pinamumunuan naman ni Arnel Angeles.

Itinurn -over ang suspek sa Manila Police District -homicide section ala- 1:30 ng madaling araw para sa kaukulang imbestigasyon, habang dinala naman sa funeral parlor ang biktima para sa awtopsiya.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Tags:

You May Also Like

Most Read