Si Mayor Honey Lacuna kasama sina (kanan) City Engineer Armand Andres at (sa likod ni Lacuna) MPD Director PBGen. Andre Dizon sa isinagawang occular inspection sa Quirino Grandstand. (JERRY S. TAN)

OCULAR INSPECTION SA GRANDSTAND, PINANGUNAHAN NINA LACUNA, DIZON AT ANDRES

Pinangunahan nna Manila Mayor Honey Lacuna, Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon at City Engineer Armand Andres ang isang ocular inspection sa Quirino Grandstand kaugnay ng mga aktibidad na gagawin doon kaugnay ng nalalapit na Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Gayundin ay personal na isinagawa nina Lacuna at Dizon ang ‘send-off’ ng mga MPD personnel na itatalaga upang mangasiwa ng peace and order sa nasabing okasyon.


Tiniyak ni Dizon sa alkalde na ang mga MPD personnel na itatalaga ay mahigpit na babantayan ang seguridad at kapayapaan ng nasabing selebrasyon.

Ipinaliwanag ni Engr. Andres kay Lacuna ang lahat ng physical arrangements na ginawa sa Quirino Grandstand pati na ang backdrop sa nasabing okasyon, kung saan nagsagawa na rin ng paglilinis ang City Hall team sa nasabing lugar.

Inaasahang magsasagawa ng banal na misa doon habang ang mga deboto ay papayagang makita at pumunas sa imahe ng Itim na Nazareno sa halip ng nakagawiang ‘Pahalik.’


Samantala ay nagpalabas naman ang spokesperson ni Lacuna ng ‘fake news alert’ matapos kumalat ang pekeng balita na nag-aanunsyo sa social media ng class at work suspension nitong Huwebes, January 5 ang pamahalaang Maynila.

Ayon kay Atty. Princess Abante, ang nasabing fake news na nag-trending sa social media ay nagpapakita ng ‘grabbed photo’ ng isang lumang anunsyo ng class suspension at work suspension.


“As of this posting, no announcement has been made by the City Government of Manila regarding suspension of classes and work for today, January 5, 2023. The City of Manila would like to remind the public that all official announcements shall be made through the Manila Public Information Office Facebook Page and through Mayor Dra. Honey Lacuna Facebook page,” pahayag ni Abante. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like