(mula kanan) Sina Manila North Cemetery (MNC) Director Yayay Castaneda, Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo habang naikot sa MNC bago pa man ang 'Undas.' (JERRY S. TAN)

OCT. 25 DEADLINE SA PAG-AAYOS NG MGA PUNTOD, DI NA PALALAWIGIN — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Muling nagpaalala si Manila Mayor Honey Lacuna sa publiko na sa October 25 na ang itinakdang deadline ng pamahalaang- lungsod para sa paglilinis at pag-aayos ng puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Manila North Cemetery at hindi na umano papalawigin pa ang itinakdang deadline.

Inihayag ni Lacuna na ang abiso ay inilabas ng pamahalaang-lungsod unang linggo pa lamang ng Oktubre o sadyang malayo pa sa paggunita sa All Saints’ Day at All Souls’ Day tuwing Nobyembre 1 at 2, upang mabigyan ang publiko ng mahabang panahon para maglinis ng libingan ng kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.

Anang alkalde, nais nilang bigyan ang mga bibisita sa MNC ng sapat na panahon para makapaghanda, dahil ang MNC na pinamumunuan ni Director Yayay Castaneda ang pinakamalaking sementeryo sa bansa na nakakapagtala ng pinakamaraming bisita taun-taon lalo na tuwing November 1 and 2.


Hinihikayat ni Lacuna ang publiko na gamitin ang mga natitirang araw bago pa sumapit ang itinakdang October 25 deadline sa halip na magkumahog sa mismong araw ng deadline na matagal nang itinakda.#

Bukod sa itinakdang October 25 deadline para sa paglilinis at pag-aayos ng mga puntod ay nagpalabas din ng advisory ang tanggapan ni Castaneda na suspendido ang cremation pagkatapos ng October 28.


Ang tanggapan ng MNC ay sarado mula October 27 hanggang November 3, 2024 at lahat ng serbisyo kabilang ang cremation at libing ay babalik sa November 4 na.

Mula naman October 24 hanggang November 4, ang main gate ng MNC ay bukas lamang mula 5 a.m. hanggang 5 p.m.


Kaugnay ng mga nasabing abiso ay nanawagan si Lacuna sa publiko na sundin ang karaniwang ipinagbabawal upang makaiwas na din sa anumabg aberya kung sila ay magtutungo sa MNC.

Binanggit ni Lacuna na mula October 28 hanggang November 4, lahat ng nakalalasing na inumin ay bawal, gayundin ang mga alagang hayop, flammable materials tulad ng thinner at pintura, gayundinn ang baril, kutsilyo o mga katulad na bagay at mga paraphernalia para sa gambling at pagpapatugtog nang malakas.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna, Manila North Cemetery (MNC) Director Yayay Castaneda, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read