Sina Mayor Honey Lacuna at Liga ng Barangay President, Councilor Lei Lacuna.

“OBRANG MANILENYO” SA KARTILYA, TAMPOK SA PAGTATAPOS NG NATIONAL ARTS MONTH SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na bilang bahagi ng pagtatapos ng selebrasyon ng lungsod sa ‘National Arts Month’ ay isang buong araw na aktibidad angd isasagawa na tinaguriang, “Obrang Manileño, ang Obra ng Baya.”

Kaugnay nito ay inaanyayahan ni Mayor Honey ang publiko na sumali sa mga aktibidad na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan sa February 29, 2024, mula alas-8 ng umaga.

Ang isang buong araw na activity ay gagawin sa ilalim ng pamamahala ni Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) head Charlie Dungo at Liga ng mga Barangay-Manila President, Councilor Lei Lacuna.


Sa nasabing event ay magtatampok umano ng mga pangunahing arists sa ilalim ng mga kategoryang ‘Tintang Manileno’ na katatampukan ng tattoo artists; ‘LaraJuan’ photography; ‘Guhit Pinta’, paint artists; ‘Cine Manila’, films at ‘Sayawit’, song and dance.

“Inaanyayahan ko po kayo, kung wala kayo g gagawin, buong araw ito bilang pagtatapos ng arts month. Iba’t-ibang medium of art ang inyong matutunghayan,”ani Lacuna.


Inaasahan din umanong dadalo sa event ang mga local painters at tattoo artists.

“Marami tayong magagaling sa Maynila na gumagawa ng obra na nagta-tattoo. Para maalis na din ang stigma na ang tattoo ay masama. Actually, it is also a form of art at maraming Manilenyo ang magaling mag-tattoo,” pahayag ng alkalde.


Samantala, nag-anyaya din si Councilor Lei at aniya:”Makiindak sa musikang dala ng “Sayawit”, maantig sa pelikulang handog ng “Cine Kartilya”, magpinta nang malaya sa “Guhit Pinta”, ipakita ang husay sa pagpitik sa “LaraJuan” at tunghayan ang iba’t -ibang kulay sa “Tintang Manileno.”

Tags: Councilor Lei Lacuna, Liga ng Barangay President, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read