Si Manila Congressman Benny Abante, Jr. (6th District) habang naghahayag ng suporta kay MTRCB chair Lala Sotto sa kanyang pagdalo sa 'MACHRA Balitaan sa Harbor View' news forum. (JERRY S. TAN)

MTRCB chief, nakahanap ng kakampi kay Cong. Abante

By: Jerry S. Tan

Nakahanap ng kakampi mula sa Kamara de Representantes ang binabatikos ngayon na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto,, sa katauhan ni Manila 6th District Representative Benny Abante, Jr..

Sa ‘Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) Balitaan sa Harbor View’ news forum, sinabi ni Abante na buong-buo ang kanyang suporta kay Sotto dahil sa magandang trabaho nito sa MTRCB.


Kabilang na rito ang desisyon ng board na suspendihin ang mga palabas na nagpapakita ng lahat ng klase ng kalaswaan.

Anang mambabatas, naalala niya na ang kanyang pakikipaglaban sa kalaswaan sa telebisyon at pelikula ay halos sarilinin na niya noong kasagsagan ng kanyang pakikipaglaban dito.

Matatandaang ilang taon na ang nakakaraan, si Abante ay nagpanukala sa Kongreso ng batas na nagbabawal ng produksyon ng pornographic materials at shows.


Ibinahagi ni Abante na isa ring Bible Baptist Pastor, na ang television networks ay dapat na nagpapalaganap at nagsusulong ng pro-family programming sa halip na nagpapalabas ng programang may sexual overtones.

Sinabi rin nito na hindi dapat unahin ng mga TV networks ang kita kaysa sa social responsibility.


Tags: Jr., Manila Congressman Benny Abante

You May Also Like

Most Read