Latest News

Si Mayor Honey Lacuna habang pinupuri at pinasasalamatan ang mga patuloy na nagtrabaho nitong Semana Santa. (JERRY S. TAN)

MPD, CITY GOV’T. OFFICES NA NAGTRABAHO SA SEMANA SANTA, PINURI NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

PINASALAMATAN at pinuri ni Mayor Honey Lacuna ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) gayundin ang iba’t-ibang departments, bureaus at offices ng Manila City Hall na nanatiling bukas sa kabila ng Semana Santa.

Partikular na binigyan ng papuri ni Lacuna ang MPD sa ilalim ni director, Gen. Arnold Thomas Ibay, na ayon sa kanya ay nagpanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Maynila at maging sa mga lugar kung saan naroon ang mga Simbahan at maraming mananampalataya.

Pinuri din ni Lacuna ang mga kawani ng city government units sa patuloy nilang operasyon sa halip na magbakasyon, kung saan ang iba ay naka-stand by upang tumugon sa kaso ng emergency.


Ikinatuwa rin at pinuri ng alkalde ang naging matagumpay at mapayapang pagsasagawa ng religious activities na kaugnay ng paggunita sa Mahal na Araw.

“Pinupuri at pinasasalamatan natin ang MPD sa mapayapang prusisyon ng Nazareno sa Semana Santa,” ayon kay Lacuna/


Gayundin ay nagpasalamat at nagbigay-papuri si Lacuna sa mga mananampalatayang Katoliko na nakilahok sa mga gawain na naisakatuparan nang mapayapa at mataimtim, lalo na sa mga sumama sa prusisyon..

Ang mga city government offices na kung saan ang mga kawani ay pinuri ng alkalde dahil piniling mag-trabaho sa Mahal na Araw ay ang department of engineering, city electrician’s office, department of public services, Manila traffic and parking bureau, city markets at Manila disaster risk reduction management office.


Samantala, nanawagan si Lacuna sa lahat ng mga city officials at employees na gamitin ang kanilang panibagong lakas para sa pagtupad ng kanilang gawain at pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nito.

“Sana kayo ay nkapagpahinga, nakapag-recharge at nakapagbigay ng panahon upang magdasal at i-observe ang Semana Santa. Gamitin po natin ang panibagong buwan at panibagong pagkakataon upang gampanan nang maayos ang ating mga tungkulin dahil gaya ng lagi kong sinasabi, bukod sa pamilya ay tayo ang inaasahan ng bawat isang Manilenyo,” ani Lacuna.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read