Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo (gitna), kasama sina (mula kanan) DPS chief Nicole Amurao, chief of staff Joshue Santiago at Councilor Philip Lacuna at (left) MDRRMO head Arnel Angeles sa pirmahan ng ordinansang inakda ni Councilor Philip at nagbigay-daan sa implementasyon ng 'Move Manila Carless Sundays" program. (JERRY S. TAN)

“MOVE MANILA CAR-FREE SUNDAYS,” MAY GRAND LAUNCH SA MAYO 26

By: Jerry S. Tan

Nakatakdang umarangkada sa darating na Linggo, Mayo 26, ang “Move Manila Car-free Sunday” program sa Roxas Boulevard mula alas-5 hanggang alas- 9 ng umaga.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, pangungunahan nila mismo ni Vice Mayor Yul Servo at Konsehal Philip Lacuna, may akda ng ordinansang basehan ng programa, ang fitness activities kasama rin ang celebrity fitness couple na sina Coach Jim Saret at Coach Toni Saret bilang program hosts.

Sinabi ni Lacuna na maglalagay rin ng first aid at water stations at road marshalls para hindi maglabu-labo ang mga tao .

Napag-alaman sa alkalde na sasamahan ang publiko na pupunta sa lugar ng mga delegasyon mula sa iba’t -ibang sektor sa Maynila, kung saan sasabayan sila sa mga aktibidad na kinabibilangan ng walking, jogging, running at biking at maging skateboarding o roller skating.

“Handang-handa na po ang lahat para sa Move Manila Car-Free Sunday sa Roxas Boulevard sa darating na Linggo, May 26. City hall field personnel are continually checking the road and sidewalk conditions. The rerouting map and traffic personnel are ready, “ani Lacuna.

Napag-alaman na magkakaroon din ng Zumba competition na paglalabanan ng iba’t -ibang School Parent-Teachers Associations (Manila SPTAs).

“Among the groups we invited include the Barangay Councils and Sangguniang Kabataan, city hall officials, non-government organizations, school parent-teachers associations, sports clubs, running clubs at cycling clubs,” dagdag ni Lacuna.

Sa Mayo 26 ay isasara pansamantala ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Quirino Avenue hanggang Burgos Street at ito ay gagawin na tuwing araw ng Linggo.

Tags:

You May Also Like

Most Read