Latest News

Mayor Honey Lacuna (seated, middle) in a posterity shot with the Hijos del Nazareno and Quiapo Church authorities after meeting regarding the holding of a motorcade on Good Friday. (JERRY S. TAN)

MOTORCADE NG ITIM NA NAZARENO SA BIYERNES SANTO, BASEHAN KUNG PWEDENG MAG-TRASLACION SA 2024 — MAYOR HONEY

Nagkasundo sina Manila Mayor Honey Lacuna, Quiapo Church authorities at Hijos of the Black Nazarene na motorcade ang isasagawa sa halip na regular na prusisyon sa Biyernes Santo at ang kalalabasan nito ang siyang magiging sukatan kung papayagan na ang ‘Traslacion’ sa 2024 o hindi muna ulit.

Nabuo ang kasunduan kasunod ng pulong na ginawa mismo sa tanggapan ng alkalde, na nagtatakda ng motorcade sa ganap na 12:01 a.m. ng Biyernes Santo, April 7 na magsisimula at magtatapos sa Quiapo Church mismo.


Ayon kay Lacuna, ang ruta na kapareho din ng taunang Traslacion, ayon sa alkalde ang susundin, at idinagdag din niya na ang gagawing motorcade ay mahalaga upang malaman kung ang Pista ng Itim na Nazareno ay maipagdiriwang sa January 9 sa susunod na taon.

Base sa impormasyon mula sa tanggapan ng lady mayor, sinabi ni Lacuna na ang dami ng bilang ng mga deboto na dumadagsa tuwing prusisyon ng Biyernes Santo ay kalahati ng bilang ng mga dumadalo sa taunang ‘Traslacion’ o prusisyon ng Itim na Nazareno.

“This motorcade will be a prelude to ‘Traslacion 2024.’ If successful and good, we would highly consider having Traslacion again in 2024. If it’s already sloppy, how about Traslacion? That’s why we are calling especially the Hijos to police their ranks,” pagbibigay diin ni Lacuna.


Sinabi pa ng alkalde na ang city government ay magkakaloob ng lahat ng kakailanganin para sa mapayapa at maayos na motorcade.

Buong suporta din ang ibibigay ng lokal na pamahalaan, ayon pa kay Lacuna, sa pamamagitan ng Manila Parking and Traffic Bureau, city engineering office, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Police District, department of public services, at iba pa.


“‘Don’t worry, to our devotees of the Dear Lord Nazarene, because this is in preparation for the bigger celebration of the Feast of the Nazarene on January 9, 2024. So we all agreed that this coming Good Friday will be the basis of how the celebration can be done properly in 2024,” sabi ng alkalde.

“We are all excited to do the motorcade properly so that in January we will have a bigger celebration,” pahayag pa ng alkalde.


Nanawagan naman sina Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. of the Minor Basilica in Quiapo at ang Hijos del Nazareno sa mga kasamahang deboto na ipakita sa lahat na sila ay disiplinado at kayang magsagawa ng maayos at mapayapang paraan ng pananampalataya sa Mahal na Poong Nazareno. (JERRY S. TAN)

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like