Nananawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guro na ituro ang moral values sa mga kabataan. (JERRY S. TAN)

MORAL VALUES, ITANIM SA ISIPAN NG MGA KABATAAN – MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INIHAYAG ni Mayor Honey Lacuna na ang mga batang Manilenyo ay dapat na magtaglay ng academic excellence na may kasamang moral values.

Ito ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna ang dapat taglayin ng ng mga batang mamamayan ng Maynila sa kanilang paglaki bilang mga lider at partner sa hinahanap ng bansa at ng pamahalaan.


Kaugnay niyan ay nanawagan ang alkalde sa mga magulang at guro na itanim sa isipan ng mga bata ang kahalagahan ng moral values, maging sa Manila Youth Development and Welfare Bureau at Division of City Schools (DCS) na aniya ay maaring gamitin ang kanilang posisyon para gabayan ang mga bata sa hinaharap bilang mga lider ng bansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng kagandahang asal.

“Ibang-iba na po ang mga kabataan ngayon. Ipinapakita nila, sinasabi nila ang nasa isip nila. May mga pagkakataong tama naman sila, may mga pagkakataon naman na kailangang iwasto pa sila o di kaya ay tulungan, alalayan,” ani Lacuna, kasabay ng banggit ng impluwensiya ng social media na kung minsan ay hindi rin maganda para sa mga kabataan.

Ito ang dahilan, ayon kay Lacuna kung bakit ang city government sa pamamagitan ng youth bureau, ay nais na mag-focus sa value formation ng mga bata.


“Kaya nga po sana, sa pamamagitan ng ating youth bureau ay matutukan natin ang mga kabataan dito sa ating lungsod. Nakausap na din po natin ang DCS na ibalik natin sa ating pagtuturo ang moral values. Siguro, panahon na, para di lang tutukan ang academic excellence kundi sa pagkatao rin,”saad ni Lacuna.

Binigyang-diin ni Lacuna na nagsisimula sa tahanan at paaralan, kung saan ginugugol ng mga bata ang mas marami nilang oras, ang pagtuturo ng moral values, dahilang kung bakit ang panawagan ng alkalde ay nakatuon sa mga magulang at guro.


“Tulong-tulong tayo… simulan po ninyo sa inyong tahanan na gabayang maigi ang inyong mga anak. Di natin sila kailangang pagalitan, imulat lang sa tama,” dagdag panawagan ni Lacuna.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like