Latest News

Si Manila Mayor Honey Lacuna kasama ang mga kinatawan ng Korean groups na nag-donate ng libreng wifi sa lungsod. Kasama niya sa larawan sina (kanan) MDRRMO chief Arnel Angeles at (ikalawa mula kaliwa) EDP head Fortune Palileo. (JERRY S. TAN

Mayor Honey, Korean groups, pumirma ng MOA para sa libreng wifi sa lungsod

Asahan ang mas mabilis pang mga ayon ang  transactions sa   Manila City Hall.

Ito ay matapos na lumagda si Mayor Honey Lacuna sa isang  memorandum of agreement (MOA) para sa paglalagay ng libreng wifi sa City Hall, matapos na iang kaibigan umano ng lungsod mula Korea ang nag-donate ng libreng  wifi, na magsisimula sa  City Hall.

Ang donasyon ay nakapaloob sa MOA na ginawa sa pakikipag-ugnayan sa  electronic data processing department (EDP)  sa pamumuno ni Fortune Palileo at sa Manila Disaster Risk Rediction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ng hepe nitong si Arnel Angeles, na siyang personal na naging daan para sa naturang kasunduan.


Pagkatapos sa City Hall, ay lalagyan din  umanong ng libreng wifi ang dalawang kolehiyo na pinatatakbo ng lungsod, ang Universidad de Manila (UdM) at  Pamantasan ng Lungsod Maynila (PLM).

“Malaki talaga ang  nagagawa ng pagiging magaling na kaibigan.  These Koreans are friends of MDRRMO Director Arnel Angeles,” ani Lacuna.

Pinasalamatan ni Lacuna ang mga Koreano sa pamumuno ni  Danny Seo ng Artbi Global Phil. Corp at Ifree Co. Ltd. na pinamumunuan ni chief executive officer ParkTae Kyu na ayon sa alkalde ay nag-donate sa lungsod ng 20 units ng 4G wifi routers na ilalagay sa mga tanggapan ng   city hall  para sa mas mabilis na transaksyon.

Sinabi ng alkalde na kailangang-kailangan ito para sa mga revenue-generating offices sa City Hall tulad ng permits bureau at ng renewal section ng city treasurer’s office.


Ang anim na ospital na pinatatakbo ng lungsod ay kabilang din sa palalagyan ng libreng wifi. (JERRY S. TAN)

Tags: Manila Mayor Honey Lacun

You May Also Like

Most Read