Latest News

Si Mayor Honey Lacuna kasama ang mga nagwagi sa Miss Manila 2024 Coronation night.

MISS MANILA 2024, KINORONAHAN, MAGSISILBING ‘FACE OF MANILA’, AYON KAY MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

KINORONAHAN bilang ‘Miss Manila 2024’ si Aliya Rohilla ng Sta. Cruz, kung saan tinalo niya ang may 100 kababaihan sa Maynila na nauna nang nag-apply para sa prestihiyosong titulo.

Iniabot ni Mayor Honey Lacuna ang premyo kay Miss Manila 2024 Aliya Rohilla. Nasa kaliwa sii Miss Manila 2023. Manila Gabrielle Lantzer.

Mismong si Mayor Honey Lacuna ang personal na nag-award ng kay Rohilla ng korona, titulo, bouquet of flowers at P1 million na premyong cash, pati na rin sa ibang nagsipagwagi sa ginanap na competition noong Sabado ng gabi sa iconic Metropolitan Theater.

Sinabi ni Lacuna na may malaking tungkulin na gagampanan si Rohilla bilang ‘the face of Manila’ sa buong taon ng kanyang paghawak sa titulo, kasabay ng pagbati rin sa iba pang nagwag na sin: : Miss Manila 2024 2nd Runner Up – Daniella Moustafa from Tayuman; 1st Runner Up – Jubilee Acosta, Espana; Miss Manila Charity 2024 – Xena Ramos, Sta. Ana and Miss Manila Tourism 2024 – Leean Jame Santos, Manuguit.

Ipinagmalaki rin ni Lacuna ang 24 finalists na tinaguriang ‘Women of Worth’ na labis na pinaghandaan ang kanilang laban pa sa prestihiyosong korona na, ayon sa department of tourism, culture and the arts of Manila (DTCAM) chief Charlie Dungo, ay dinisenyo ng kilalang jewelry designer na si Manny Halasan.

Nagsilbi bilang hurado sa nasabing patimpalak sina :Atty. Annette Gozon-Valdes, President of GMA Films and GMA Worldwide; Joy Marcelo, Vice President of Sparkle GMA Artist Center; Reghis Magdangal Romero II, founder of RMR Capital, Inc.; Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo at Charo Santos-Concio, member of the Board of Directors at ABS-CBN

Naging performers naman ang “Millennial Singer-Songwriter” Jeremy G., “Kapuso Soul Princess” Thea Astley, “Romantic Crooner” David Young and Miss Manila 2023 Gabrielle Lantzer, na Kasama rin ng alkalde sa pagpuputong ng korona ng bagong ‘Miss Manila 2024’ sa etablado, habang sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at Kapuso star Gabbi Garcia ang nagsilbing hosts ng nasabing event.

Ayon kay Lacuna, ang lahat ng sumalli ay pumasa sa criteria na itinakda tulad ng pagiging single, female, between 18 and 30 years old, bonafide resident ng Maynila at higit sa lahat ay kumakatawan sa values of empowerment and leadership.

Ang naturang beauty pageant ay proyekto ng pamahalaang-lungsod ng Maynila na kumakatawan sa “values of empowerment and leadership to deliver meaningful contribution to her fellow Manilans.”

“A Miss Manila must be a ‘woman of worth’ who is true to herself and who has to love herself first before she can love others, embody the traits of a true Manilena and must be a strong advocate of all the rights of all women, a true leader, a nurturer and a change maker,” ayon pa sa alkalde.

Nagsiula ito noong 1998 sa panahon ni Mayor Alfredo Lim subalit itinigil dahil sa pandemya hanggang ito ay muling binuhay ng Lacuna administration.

Napag0alamang mula sa Top 100 na napili sa online application, ang Top 50 ay pinili sa face-to-face audition ng Miss Manila Executive Committee hanggang sa matira na lamang ang 24 finalists.

Tags:

You May Also Like

Most Read