TINANGHAL bilang Miss Manila 2023 ang kinatawan ng Malate na si Gabrille Lanzter sa Metropolitan Theater noong gabi ng June 23. Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nagputong ng korona sa bagong Miss Manila na inasistehan ni Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

MISS MALATE, ITINANGHAL NA MISS MANILA 2023

By: Jerry S. Tan

Wagi ang kinatawan ng Malate na si Gabrielle Lanzter bilang Miss Manila 2023 sa ginanap na Coronation Night noong gabi ng June 23 sa Metropolitan Theater.

Nanalo si Lanzter mula sa kabuuang 22 kababaihang naglaban-laban sa prestihiyosong titulo ng ‘Miss Manila 2023’ na nagtatampok ng kanilang ganda, talino at katapatan sa paglikha ng positibong epekto sa kanilang pamayanan.


Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nagputong ng korona at naglagay ng sash kay Lanzter, na inasistehan naman ni Vice Mayor Yul Servo, tourism department chief Charlie Dungo at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Lugene Ang. Si Lanzter ay binigyan din ng bouquet of flowers at tsekeng nagkakahalaga ng P1 million.

Ang iba pang mga nagsipagwagi ay sina: Miss Manila 2023 2nd Runner Up – Francine Tajanlangit, kinatawan ng Roxas Boulevard; Miss Manila 2023 1st Runner Up – Karen Nicole Piccio ng Pureza, Sta. Mesa; Miss Manila Charity – Anne De Mesa ng Sta, Mesa at Miss Manila Tourism – Angela Okol ng Paco.

Nagpahayag ng pagmamalaki si Lacuna sa mga naggagandahang kandidata na sumali sa Miss Manila 2023.


“Beyond the glitz and glamour, the Miss Manila pageant serves as a celebration of womanhood, empowerment and the vibrant spirit of Manila,” anang alkalde.

Sinabi pa ng alkalde na ang lahat ng mga kandidata ay pumasa sa face- to- face interview hanggang sa makapili na ang board of judges ng final at ‘official list of candidates’ na pinagkalooban ng mga sash.


“All our lovely girls underwent the pre-qualification process and were selected according to their submitted credentials and video footages,” pahayag ng alkalde na umasang nag-enjoy sa kanilang karanasan.

Ayon kay Lacuna, ang lahat ng mga kalahok ay maaring ikonsidera ang kanilang pagsali bilang isang “opportunity to hone and shine in your inner and outer character as the woman of the future.”


Pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng lumahok at tumulong na muling maibalik ang proyekto na nahinto dahil sa 2020 pandemic.

Ang nasabing pageant ay isa sa mga tampok na aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng ika-452 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila nitong une 24.



Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read