Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo (ikaapat at ikatlo mula kaliwa) kasama sina Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold 'Poks' Pangan at ang kanyang staff na tumanggap ng ISO certification para sa MHD. (JERRY S. TAN)

MHD, ISO-CERTIFIED NA SA PAGDIRIWANG NG 84th FOUNDING ANNIVERSARY

By: Jerry S. Tan

IPINAGDIWANG kahapon ng Manila Health Department (MHD) na pinamumunuan ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan nitong Lunes ng ika-84 aniversaryo nito, kasabay ng anunsiyo na ito ay nakakuha ng ISO Certification at ngayon ay kauna-unahang deparment sa buong lungsod na nagawaran nito.

Pinapurihan at pinasalamatan ni Mayor Honey Lacuna ang MHD, lalo na ang six district offices at central office na ginawaran ng ISO 9001: 2015 na nangangahulugan na ang lahat ng documentation nito ay maayos, ‘very transparent’ at may mataas na antas ng kagalingan pagdating sa pagbibigay ng serbisyo at komunikasyon.

Inaasistihan si Mayor Honey Lacuna ng kanyang asawang si Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan na siyang nagpakilala sa kanya sa ginanap na flagraising ceremony nitong Lunes ng umaga. (JERRY S. TAN)

Sa kanyang pag-anunsyo na ang MHD ay ISO-certified na, sinabi naman ni Pangan na malayo na ang narating ng MHD mula nang ito ay binuo ito noong July 1, 1940 sa ilalim ng Commonwealth at dahil diyan ay pinasalamatan ang mga kawani na nasa likod ng nasabing tanggapan.


“Maraming salamat sa sipag, tiyaga at malasakit. Ituloy tuloy lang natin ang pagpupursigi at husay sa pagta-trabaho para lalo tayong makapagbigay ng makabuluhang sebisyo sa mga batang Manilenyo,” ani Pangan.

Ayon naman kay Lacuna, na isa ring doktor, na ang MHD ay malapit sa kanyang puso dahil dito siya nagsimula bilang physician sa Bacood health center at sumunod ay sa Tondo health center.

Pinasalamatan din ni Lacuna ang MHD Core Group para sa ISO na binubuo nina internal auditors Dr. Gina Pardilla, Dr. Dolores Manese, Engr. Anthony Taguba, Ernesto Alcaparaz at Lourdes Tecson, pati na rin sina Ana Marie Claudio at Lcid Dwight Biugos ng quality management office.

Anang alkalde, marami na ring departamento sa lungsod ng Maynila ang nagpakita na rin ng kanilang kagustuhan na maging ISO-certified, matapos ang MHD ang siyang maging unang departamento na magkaroon nito.


“Iba-ibang departamento na ang nagpapa-ISO. Ito ay inumpisahan ng JASGEN (Justice Abad Santos General Hospital) at Sta. Ana Hospital (SAH) na sinundan ng MHD bilang kauna-unahang department sa buong Maynila na maging ISO-certified,” pahayag pa ni Lacuna. Ang JASGEN ay pinamumunuan ni Director, Dr. Merle Sacdalan-Faustino habang ang SAH ay nasa ilalim naman ng pangangasiwa ni Dr. Grace Padilla bilang hepe nito.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read