Latest News

Personal na namahagi sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ng tulong na relief packages para sa mga nasunugan sa Tondo.

MGA TUMULONG SA SUNOG SA TONDO, PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY AT VM YUL

By: Jerry S. Tan

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga tumulong sa dalawang sunog na naganap sa magkahiwalay na lugar sa Tondo nitong weekend, kung saan may halos 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Inaalo ni Manila Mayor Honey Lacuna ang isang ana nang muli silang bumisita ni Vice Mayor Yul Servo sa evacuation sites kung saan pansamantalang tumutuloy ang mga biktima ng sunog sa Tondo.

Sa kanyang mensahe sa City Hall flagraising ceremony nitong Lunes, partikular na nagpasalamat si Lacuna sa tulong at suporta ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Fire Protection-Manila, Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa ilalim ni director Arnel Angeles, Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan at Manila department of social welfare na pinamumunuan ni Re Fugoso at aniya ay patuloy na nag-aalaga sa mga biktima ng sunog hanggang ngayon.

Pinapurihan din ni Lacuna ang patuloy na clearing na ginagawa ng department of public services (DPS) sa lugar na naapektuhan ng mga nasabing malaking sunog.


Pinasalamatan din ng alkalde ang mga punong barangay na agad na nagpahiram ng kanilang mga covered court upang magamit bilang evacuation site ng mga fire victims, gayundin ang division of city schools (DCS) na nagpahiram ng kalapit na paaralan para pansamantalang matuluyan ng mga nawalan ng tahanan.

Nagpahayag din ng pagtanaw na utang na loob si Lacuna sa iba pang local government units na nag-alok ng tulong sa Maynila, pati na rin sa mga volunteers at pribadong tao at organizations na tumulong sa Maynila sa panahon ng nasabing sunog.

Matatandaan na agad nagtungo sina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa fire scene, kung saan lahat ng concerned units ng pamahalaang-lungsod ay mabilis na pinakilos at maging ang mga kapitan ng barangay ay agad na kinausap para ipagamit ang kanilang covered courts bilang pansamantalang tirahan ng mga biktima ng sunog.

Sa kabila niyan ay nagpapasalamat umano sina Lacuna at Servo na walang nasawi at nasugatan sa nasabing insidente.


Kaugnay niyan ay muling nagpaalala si Lacuna na sa panahon ng sunog ay dapat na palagiang gawing prayoridad ang pagliligtas ng buhay dahil ito ang pinakamahalaga kumpara sa mga ari-arian na maaring palitan.

Muli ring nanawagan ang alkalde sa mga residente na maging maingat laban sa mga bagay na nagiging sanhi ng sunog upang maiwasan ang trahedya.

Tags: Manila Mayor Honey Lacun

You May Also Like

Most Read