Latest News

Agad ba pinagbigyan ni Mayor Honey Lacuna ang hiling na 'selfie' ng isang senior citizen habang naghihintay ang isa pa, sa isang okasyon kung saan namahagi ang alkalde ng mga regalo sa mga senior citizen ng Maynila. (JERRY S. TAN)

MGA SENIOR CITIZENS, PAHALAGAHAN ARAW-ARAW — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

“MAKE everyday a special day for grandparents and the elderly. Give our lolo and lola a hug.”

Ito ang ipinanawagan ni Mayor Honey Lacuna sa publiko, kaugnay ng paggunita nitong weekend ng ‘World Day of Grandparents and the Elderly.’

Sa isang maiksing mensahem sinabi ni Lacuna na narating ng Maynila ang kinalalagyan nito ngayon dahil sa tulong ng mga senior citizen na naninirahan dito na iginugol ang panahon ng kanilang kalakasan at kabataan sa pag-aambag sa progreso ng lungsod.


“Pundasyon ng Maynila ang sipag at sakripisyong inalay ng ating mga nakatatandang Manileño noong kanilang kalakasan. Sila ang dahilan ng anumang tinatamasa natin ngayon. Kaya ngayong araw nila, ako at ang Pamahalaan ng Maynila ay lubos silang pinasasalamatan. Mabuhay ang ating mga lolo’t lola! Happy Grandparents Day po sa inyong lahat!” pahayag ni Lacuna sa kanyang social post nitong weekend.

Samantala, sa iba pang kaganapan, si Lacuna ay naglibot sa mga paaralan upang tignan ang daloy ng pagbubukas ng eskwela sa unang araw nito.

Kasama si Vice Mayor Yul Servo ay namahagi ang lady mayor ng mga bags at notebooks at nanawagan sa mga estudyante na mag-aral nang husto para sa kanilang magandang kinabukasan.

Kabilang sa mga paaralan na dinalaw ng alkalde ang Rosauro Almario Elementary School, Dr. Alejandro Albert Elementary School at Quirino High School.


Nanawagan si Lacuna sa mga mag-aaral na pangalagaan ang kanilang paaralan at ang mga pasilidad nito at tratuhin ang kanilang paaralan bilang kanilang sariling tahanan.

“Excited kami sa first day of school kasi makikita nyo kung gaano natin pinaghirapang itayo ito. Pwede nyo na to angkinin parang inyo. At ahi inyo din ito, marami pang dadaan sa eskuwelahan na ito at ang gusto sana namin, kung pano n’yo ito dinatnan ngayon ay gayun din nila makkita sa susunod na mga taon,” pahayag pa ng alkalde.

“Iwasan nating sulatan ang dingdging at ang mga comfort room. Isipin nyo na ito ang inyong pangalawang tdahanan… kung paano n’yo sinisinop at inaalagaan ang inyon mga bahay, dapat ganun din dito dahil halos kalahati ng araw ay nandito kayo,” panawagan pa ng alkalde.

Hinikayat din ni Lacuna ang mga mag-aaral na makinig sa mga guro at tiyaking maipagmamalaki sila ng kanilang mga magulang, sa pamamagitan ng pagtatapos ng kanilang pag-aaral.


Nagbigay katiyakan si Lacuna na ang pamahalaang-lungsod ay naririyan lamang upang ipagkaloob ang lahat ng kanilang pangangailangan sa abot ng makakayanan kung saan ang kanyang hinihinging kapalit ay ang matapos lamang sila sa kanilang pag-aaral dahil aniya, ito lamang ang siguradong makapag-aangat ng kanilang estado sa buhay.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read