TULOY-TULOY pa rin ang pag-ani ni Manila Mayor Honey Lacuna ng mga papuri.
Kamakailan ay naging cover girl ito ng isang prestihiyosong magazine naTatler Philippines kasama ang tatlong iba pang babaeng metro mayors.
“Thank you, Tatler Philippines, for featuring me and my fellow female Mayors in this month’s cover. I am humbled to be with Mayors Joy Belmonte (Quezon City), Abby Binay (Makati City) and Lani Cayetano (Taguig City) as we celebrate Women’s Month,” sabi ni Lacuna.
Sabi ng Tatler sa artikulo nito na: “with four public service trailblazers leading some of Metro Manila’s most progressive cities. Mayors Joy Belmonte, Abby Binay, Lani Cayetano, and Honey Lacuna-Pangan share their journey and how they intend to use their influence to amplify their advocacies and address some of the critical issues, especially those involving women and gender equality, affecting society today.”
Nakasaad pa sa nasabing artikulo ng Tatler na si Lacuna ay napiling isa sa cover girl dahil siya ang ang kauna-unahang babaeng mayor ng kabisera ng bansa at sa mga proyektong inilalatag niya bilang suporta sa kababaihan lalo na sa mga solo parents.
“We are doing this through initiatives centred on solo parents. In Manila, over 90 per cent of solo parents are women. These women deserve our backing, and we assist them in various ways… One example is a potential livelihood project with Pampinay, a clothing company that creates sustainable Filipiniana outfits,” sabi ng alkalde sa artikulo ng prestihiyosong magazine na naitatag noong 2001.
Matatandaan na ilang buwan na ang nakakaraan, si Lacuna ay kinilala bilang 2022 Most Influential Filipina Woman in the World ng Filipina Women’s Network (FWN) sa six-day Filipina Leadership Global Summit na ginanap sa Dom Pedro Hotel sa Lisbon, Portugal.
Ang lady mayor ay napiling tumanggap ng Policymaker and Visionary Award sa mga outstanding nominees mula sa sampung bansa. Ang nasabing karangalan ay kumikilala sa mga Filipina na may women forward-looking vision sa pag-unlad at nakakaimpluwensya sa mga polisiya na mapabuti ang kanilang buhay, karera at negosyo at kilalanin ito dahil sa nabago nila ang mukha ng liderato sa kanilang lokal na pamayanan.
Ang Filipina Leadership Global Summit ay nagtatagpo upang piliin ang Filipina women global leaders, influencers at public figures mula sa FWN-member countries na makilahok sa business meetings, educational sessions at learning journeys kasama ang corporate at community leaders pati na ang elected at appointed officials.
Dito nagtitipon-tipon ang top and most influential Filipina women business owners at professionals upang lumikha ng isang networking pipeline sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Nagpahayag ng pasasalamat si Lacuna sa lahat ng pagkilalang kanyang natatanggap at binigyang diin na siya ay: “firm believer that the Mayor of Manila has to be a leader, an advocate and an influencer in order to address the numerous and complicated issues and problems confronting the City of Manila.” (JERRY S. TAN)