Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kasama sina (mula kaliwa) SAH Director Dr. Grace Padilla at JASGH Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino.

MGA OSPITAL SA ILALIM NG LACUNA ADMINISTRATION, HUMAKOT NG AWARDS MULA DOH

By: Jerry S. Tan

PATULOY na humahakot ng mga parangal ang administrasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna at sa pagkakataong ito, ang mga awards ay iginawad ng Department of Health (DOH) sa tatlong district hospitals na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.

Napag-alaman na ang pamahalaang-lokal ng Maynila ay tumanggap ng karangalan mula sa DOH dahil sa ‘best practices’ ng tatlong ospital nito bilang ‘Green and Safe’ health facilities.

“We in the city of Manila are grateful to the DOH for this unique acknowledgement of our efforts to keep our health facilities green and safe and environmentally-friendly,” pahayag ni Lacuna.


Pinuri din ng alkalde ang mga direktor ng tatlong city government-owned hospitals na tumanggap ng karangalan mula sa DOH sa katatapos lamang na Green Viability Awards.

Ang mga recipients ng nasabing karangalan mula sa DOH ay ang Sta. Ana Hospital (SAH) sa pamumuno ni director, Dr. Grace Padilla; Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) na pinamumunuan ni Director Dr. Merle Sacdalan-Faustino at Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) sa ilalim ni Dr. Aileen Lacsamana.

Ang tatlong ospital ay tumanggap ng plaques of recognition sa isinagawang seremonya sa Clark, Pampanga.

Binati ni Lacuna ang parehong JJASGH at OMMC na nakakuha ng apat na green stars at ang SAH na tumanggap naman ng tatlong green stars.


Ang mga nasabing awards ay ibinibigay sa mga ospital na nakapaga-ambag sa green, safe and climate resilience environment sa isang hospital setting.

Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read