Latest News

Muling hihihimok ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente na magtungo sa mga health centers upang mag-benepisyo sa mga bagong karagdagang libreng serbisyo na ibinibigay doon. (JERRY S. TAN)

MGA LIBRENG SERBISYO SA HEALTH CENTERS SA MAYNILA, DINAGDAGAN PA NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

INIYAHAG ni Mayor Honey Lacuna na may mga bagong libreng karagdagang serbisyo na libreng inaalok sa 44 health centers na nakakalat sa anim na distrito ng Maynila.

Ang mga ito, aniya, ay bilang karagdagan lamang sa mga dati nang libreng serbisyo na ibinibigay nagn libre sa mga residente.

Kasabay niyan ay nanawagang muli si Lacuna sa lahat ng mga barangay authorities sa lungsod na hikayatin ang lahat ng kanilang nasasakupan na makinabang sa mga nasabing libreng serbisyo.


Napag-alaman na ang mga bagong karagdagang libreng serbisyo ay kinabibilangan ng clinical laboratories, ECG at ultrasound para sa mga buntis at ang mga ito ay bukod pa sa ipinamimigay na libreng metformin, losartan at iba pa.

Ayon kay Manila health department chief Dr. Arnold Pangan, hindi na kailangan pa ng online appointment system para sa consultations at ang health centers ay bukas mula 7 a.m. hanggang 6 p.m. Lunes hanggang Biyernes.

Idinagdag pa ni Pangan na habang ini-entertain naman ang mga walk-in, ang mga nag-register online para sa appointment ay aasikasuhin din. Aniya, dahilan naman ng online appointment ay para magkaron ng advance na file ang health authorities ng isang pasyente para sa mas mabilis na proseso sakaling kailanganin ito.

Inaanyayahan ni Lacuna ang mga residente na bisitahin ang mga health centers upang malaman ang mga libreng primary health care services na inaalok ng mga ito.


Sinabi ni Lacuna, na isa ring doktora, na lubhang mahalaga ang pagbisita sa mga health centers at pagpapa-checkup nang libre kaysa hintayin pang magkaroon muna ng sakit bago ito gawin.

“Prevention is always better than cure. Tangkilikin ninyo ang ating mga health centers. ‘Wag na po kayong makipagsiksikan sa ospital, kng matutugunan ng health center ang inyong problema. Sila po ang magssabi kung kailangang sa ospital kayo magpunta,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi ni Lacuna na ang mga health center mismo ang na concerned ang siyang magre-refer sa pasyente sa pinakamalapit na ospital kung kakailanganin ito.


Tags:

You May Also Like

Most Read