Nanawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga kawani ng lungsod na nasa field na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa sobrang init sa pamamagitan ng pag-hydrate at pagpunta sa lilim paminsan-minsan. (JERRY S. TAN)

MGA KAWANI NG MAYNILA NA NASA FIELD, PINAG-IINGAT NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

PINAYUHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga kawani ng City Hall na nasa field na Ibayong pag-iingat ang gawin pairalin upang makaiwas sa heat stroke at iba pang sakit na dala ng pagkakabilad sa araw.

Sa kanyang maiksing mensahe sa flagraising ceremony, sinabi ni Lacuna sa mga opisyal at mga empleyado na mag-hydrate palagi at iwasan ang matinding sikat ng araw kapag ito ay nasa kasagsagan na dahil mapanganib ito sa kalusugan.

“Paalala lang…napakainit kaya inaabisuhan natin kayo na mag-hydrate, mag-hydrate kahit nasa loob ng tanggapan. Alam ko mas maaliwalas sa loob dahil di ganun kainit,” sabi ng alkalde.


Partikular na hinikayat ng alkalde na mag-ingat ang mga nasa ilalim ng city engineer’s office, Parks Development Office, Public Recreations Bureau, Manila traffic and Parking Bureau, Manila Police District, department of public services at Bureau of Fire Protection.

Aniya, dapat alam ng mga ito ang symptoms ng heat stroke at isipin lagi ang kondisyon ng kanilang kalusugan.


“‘Wag po kayo masyadong magtagal sa ilalim ng araw. Kada 30 minutes or one hour, sumilong din kayo. Paalala lang para maging ligtas tayo at di magkaroon ng heat stroke,” ayon pa sa alkalde.

Samantala, sinabi ni Lacuna na dahil ang bagong city government office hours ay 7 a.m. to 4 p.m. na isimula sa May 2, ang flagraising ceremony sa Manila City Hall ay gagawin nang 7 a.m. “para maiwasan din natin ang ganitong kataas tirik ng araw.”


“Ready na ba kayo? Maganda rin naman ito dahil mas maaga na kayong makakauwi. Tutal karamihan sa inyo maaga naman talaga pumapasok kasi umiiwas kayo sa traffic,” ani Lacuna.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read