Latest News

Hinihimok ni Mayor Honey Lacuna an mga city employees na mag-avail ng housing units mula sa mga housing projects ng lungsod na para sa kanila talaga. (JERRY S. TAN)

MGA KAWANI NG MAYNILA, HINIMOK NA KUMUHA NG PABAHAY NG LUNGSOD

Pinayuhan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga kawani ng Maynila na ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa at samantalahin ang local government housing projects kung sila ay wala pang sariling bahay.

Sa kanyang mensahe sa flagraising ceremony, sinabi ni Lacuna na patuloy ang city government sa pagsisikap na mabigyan ang mga Manileño ng bahay na maituturing nila bilang sariling pag-aari.

“Patuloy tayong nagsusumikap na ayusin ang mga pabahay sa Tondo, Baseco at Binondo and soon, matatapos na ang ating mga pabahay kung saan ang makikinabang ay ang mga empleyado,” sabi nito.


Idinagdag pa niya na: “Kaya abangan po ninyo, dun po sa mga nais na magkaroon ng pabahay na mga empleyado ng pamahalaang-lungsod, makipag-ugnayan lamang po kayo sa urban settlements office, ‘yan po ay sa San Lazaro, San Sebastian at Pedro Gil. ‘Wag na kayo magpatumpik-tumpik pa.”

Ang kagandahan pa nito, ayon sa lady mayor, ang sistema sa city government’s housing projects ay para lamang naghuhulog ng kanilang savings sa bangko ang mga beneficiaries.


“Ang kagandahan ng pabahay natin ay parang iniipon lang ang buwanang bayad dahil pagdating ng panahon, kung gusto ninyong lisanin ay maibabalik sa inyo ‘yung buwanang ibinabayad ninyo. At ang kagahdahan pa, napakababa ng buwanang bigay ninyo, kundi ako nagkakamali,pinakamataas na ay P3,000 kada buwan,” sabi ni Lacuna.

Ang halaga ng hulog ay napakababa lalo’t ang uri ng housing projects na inaalok ng city government ng Maynila ay katulad ng mga first-class private condominium units sa bansa.


“Kaya nga po kayo na ang una kong sinasabihan nang sa ganoon ay kayo ang unang makinabang sa pinaghirapan po nating lahat,” ayon pa kay Lacuna. (JERRY S. TAN)

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read