Inihayag ni Mayor Honey Lacuna na ang city government workers ay maari nang mag-work from home na lamang sa October 31, bilang pagtalima sa kautusan ng Malacanang. (JERRY S. TAN)

Mga kawani ng Manila City Hall, WFH sa Martes, Oktubre 31 — MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Hindi na kinakailangan pa ng mga empleyado ng Manila City Government na magtungo sa City Hall sa Martes, matapos na pahintulutan silang mag-work from home (WFH) na lamang sa naturang araw.

Ito ang inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna matapos na matanggap ang Memorandum Circular No. 38 mula sa Office of the President na nilagdaan noong Oktubre 27, 2023 at nagsasaad na ang trabaho sa mga tanggapang gobyerno ay magiging WFH sa nasabing petsa.

Dahil sa nasabing anunsyo, binabale-wala na ang Executive Order No. 35 na may petsang Oktubre 27, 2023 at nagdedeklara ng half-day suspension sa Oktubre 31.


“However, the departments involved in the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities and/or performance of other vital services shall continue with their usual operations and render the necessary services in person,” ayon kay Lacuna.

Kaugnay pa nito, ang mga klase sa public schools ay magsi- shift sa online o asynchronous classes sa nasabing petsa.

Samantala, ipinauubaya naman ng pamahalaang-lokal ang desisyon sa mga kumpanya at administrators ng mga pribadong kumpanya at mga mga pribadong paaralan.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read