Latest News

Hinimok ni COMELEC chairman George Garcia ang mga nais siyang i-pressure o hingan ng pabor na huwag nang tangkain dahil gagawin niya lang kung ano ang tama. (JERRY S. TAN)

MGA HIHINGI NG PABOR O MAGPE-PRESSURE, TABLADO KAY COMELEC CHAIRMAN GEORGE GARCIA

By: Jerry S. Tan

“Sa mga gustong magpe-pressure at makiusap, ‘wag na po ninyo i-try. Baka sa halip na magkaibigan po tayo eh magkasamaan pa po tayo ng loob.”

Ito ang pahayag ni Commission on Elections (Comelec) chair George Garcia sa ‘MACHRA’s Balitaan sa Harbor View’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), kaugnay ng posibilidad na may mga pulitkong magpi-pressure o hihingi ng pabor sa kanya kaugnay ng kanyang kasalukuyang posisyon.

Ayon kay Garcia, hindi niya hiningi ang kanyang posisyon at sa katunayan ay napakalaki ng kanyang isinakripisyo para magserbisyo lamang sa bansa.

“Gaya ng sinasabi ko lagi, kung pera-pera ang usapan, ‘wag nyo nang i-try dahil mas malaki naman siguro ang sinakripisyo ko kesa sa puwesto ko sa kasalukuyan…wala naman po akong kailangan pa, wala na akong hihilingin pa. Sino ba naman ang mag-aakala, pakalat-kalat lang akong election lawyer biglang naging chairman ng Comelec di ho ba?” ani Garcia.

“So sa akin natural lang yun me makikiusap me magpe-pressue sa palagay nyo ba wala akong natatanggap na pressure sa kasalukiyan o mga pakiusap,
pero lagi sinasabi ko is basta kung ano na lang yung tama yun na lang po ang aking gagawin,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ni Garcia na hindi lang siya ang Comelec, dahil ito ay isang ‘collegial body’, at bagama’t siya ang pinuno ay marami rin siyang kasama sa en banc component ng komisyon.

Binanggit ng Comelec chair ang kahalagahan ng tiwala at paniniwala ng publiko sa poll body.

“Napaka-importante po kasing paniwalaan ng tao ang Commission on Elections. Naibalik na po namin ang tiwala ng mga tao sa Comelec, hinding-hindi na po natin ‘yan pababayaan pamg mawala,” pagtitiyak pa nito.

“Maganda pong ma-maintain natin ‘yung magandang relasyon kung kakilala ko na kayo, hanggang sa matapos kami sa termino dahil it’s to the best advantage po ninyo na matapat at maayos ang Commission on Elections para po nang sa ganoon,magiging maayos din ang demokrasya sa ating bansa,” pagtatapos ni Garcia.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read