Sina Manila Mayor Honey Lacuna (3rd from left) at Vice Mayor Yul Servo kasama sina (from Lacuna's right) Calapan, Oriental Mindoro Mayor Malou Morillo at Vice Mayor Bim Ignacio sa flagraising ceremony sa Manila City Hall. Nasa larawan din sinas (kaliwa) Secretary to the Mayor Marlon Lacson at (kanan) Manila first district Councilor Marjun Isidro. (JERRY S. TAN)

MGA GUSTONG MAGING ‘SISTER CITY ‘ NG MAYNILA, PATULOY NA DUMARAMI

PATULOY sa pagdami ang mga probinsya na gustong maging sister-city ang Maynila.

Inihayag ito ni Mayor Honey Lacuna, na nagsabing ito ay isang magandang indikasyon lamang na patungo sa tamang direksyon ang lokal na pamahalaang-lungsod ng Maynila.


Aniya, maraming LGUs sa mga probinsya ang nagnanais magpunta ng kabisera ng bansa upang magtanong tungkol sa mga programang nailatag na ng lungsod. Pinakahuli ay ang Calapan, Oriental Mindoro sa pamamagitan nina Mayor Malou Morillo at Vice Mayor Bim Ignacio.

Sa kasalukuyan, ay ginagamit umano na template ng maraming LGUs ang Maynila at ito ayon kay Lacuna, ay nagsisilbing inspirasyon para sa ,mga opisyal at kawani ng City Hall na pagbutihin pang lalo ang trabaho.

Sa kabila ng bago pa lamang ang administrasyon ni Lacuna, ang lungsod ay umaani na ng napakaraming papuri, karangalan at pagkilala sa iba’t-ibang aspeto ng pamamahala lalo na sa larangan ng turismo, probisyon sa health care services, quality education, online systems, at iba pa.


Ang mga karangalan na natanggap ng lungsod, ayon kay Lacuna, ay pagkilala sa good governance sa bahagi ng pamahalaang lungsod at sa gitna niyan ay kanyang pinuri ang mga opisyal at kawani na nasa likod ng operasyon ng lahat ng departamentong ginawaran ng karangalan, dahil sa kanilang dedikasyon at sipag sa trabaho.

Ani Lacuna, ang tagumpay ng kanyang administrasyon ay dahil na rin sa kooperasyon at suporta ng mga city employees sa lahat ng programa at plano na kanyang inilatag para sa mas mahusay na pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa lahat ng mga residente ng lungsod. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like