Nananawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga empleyado na kumuha na ng health certificate sa City Hall. (JERRY S. TAN)

MGA EMPLEYADO, PINAKUKUHA NG HEALTH CERTIFICATE NI MAYOR HONEY

Nanawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga empleyado mula sa iba’t-ibang establisiyemento sa lungsod na simulan na ang pagkuha ng kinakailangang health certificates at occupational permits mula sa City Hall bilang bahagi ng requirements.

Sinabi ni Lacuna na maliban sa personal applications, ang mga empleyado ay maaari ding kumuha gamit ang online system sa kani-kanilang tahanan mismo, nang di na kailangang magtungo sa City Hall.


Ayon kay Lacuna, ang health certificates ay nasa ilalim ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Poks Pangan at sakop nito ang lahat ng empleyado sa lahat ng mga establisimiyento dahil ito ay isang requirement na taon-taon ay kailangang i-renew.

“Ito ay para mapaalam nyo sa inyong kliyente na kayo ay malusog, kasi, kayo po ang humaharap sa mga klliyente. Dapat assured sila na kayo ay malusog din at isang paraan diyan ay makapag-apply kayo ng health certificate,” ani Lacuna.

Ipinaliwanag din ng alkalde na ang unang hakbang ay ang pagda-download ng Go!Manila App via Playstore para sa android users at App Store para sa IOS users o mag-login sa www.cityofmanila.ph.


“Register and sign up using your active mobile number …’wag papalit-palit ng number kasi diyan nagkaka-problema. Activate account using one-time-pin (OTP) which will be sent to your registered cellphone number. Choose E-Government and click ‘Occupational Permit/Health Certificate,’f ill out the form and choose a slot when you can go to the place where you can complete your application for health certificate and then wait for confirmation via text message,” dagdag pa nito.

Kapag na-confirm ay maaari nang magtungo sa RASAC Covered Court sa panulukan ng Rizal Avenue at Alvarez Street kung saan pansamantalang naroon ang public health laboratory ng lungsod at pag mayroon nang appointment, kailangang dalhin lang ang text mula GO!Manila kasama ang sample ng dumi; gumamit ng 1×1 size profile picture sa nasabing app , ipakita ang latest valid ID at drug test. Ang Online payment ay P625 at sakop na nito ang certificate, stool exam at drug test.


Nabatid kay Lacuna na nire-require ang additional lab tests ng Department of Health (DOH).

Dati ang kailangan lang ay dura o laway, ngayon ay nire-require na din ng DOH ang chest x-ray. Ang x-ray results ay dapat sa loob lamang ng tatlong buwan.


Maaring gumamit ang aplikante ng DOH-accredited x-ray facilities, private clinics, hospitals o RASAC kung saan ang private x-ray ay availeble din.

Samantala, para sa ‘ pink card’ applicants ang mga requirements ay stool, drug test, x-ray, RPR at gram stain. (JERRY S. TAN)



Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like