Si Manila 6th district Congressman and QuadCom chairman Benny Abante, Jr. habang ipinaliliwanag ang kanyang opinyon sa mag-amang Duterte sa 'Balitaan sa Harbor View' forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA). Kasama sa larawan sina MACHRA President Itchie Cabayan (kaliwa) at vice president Andi Garcia. (JERRY S. TAN)

MGA ATAKE NI VP SARA SA MGA TAO, PANAWAGAN NI PRRD SA MILITAR, BINATIKOS NI CONG. ABANTE

By: Jerry S. Tan

MAS mabuti umanong ituon ni Vice President Sara Duterte ang kanyang atensyon sa pagtulong sa kapwa kesa pag-atake sa kung sino-sino, kasabay ng pahayag na ‘very dangerous and reckless’ ang mga pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa military na tigilan ang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang inihayag ni House Quad Committee co-chairman Manila Congressman Benny Abante, Jr. (6th district) sa kanyang pagdalo bilang panauhin sa ‘Balitaan sa Harbor View’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Associaton (MACHRA), kung saan sinabi din nito na balak na nilang tapusin ang mga pagdinig sa Quad Committee ukol sa mga POGO at extra-judicial killings (EJKs) ngayong Disyembre upang makapag-focus na sila sa imbestigasyon sa illegal drugs, partikular ang mahigit na P6 billion controversial shipment noong 2017 kung saan ang Customs broker na sii Mark Taguba ay nahatulan na ng korte kamakailan lamang.

Ayon kay Abante, wala sa kanilang isipan ang impeachment bagamat sinabi nito na posibleng ang kaso n VP Sara ay mauwi sa plunder, base na rin sa mga detalye at sa laki ng halaga ng perang sangkot at iniimbestigahan ng Kongreso.


Sa gitna naman ng mga kaganapan sa pulitika, sinabi ni Abante na maaring tapusin ni VP Sara ang ‘drama’ sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at tigilan ang pag-aakusa sa mga Kongresista na ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Ukol naman sa panawagan ng Simbahang Katoliko na itigil na ang mga away-politika, sinabi ni Abante na hindi nito sakop ang serye ng mga pagdinig sa Kongreso dahil ito ay hindi naman ‘political’ kundi naka- base sa mga malalaking isyu.

Ayon pa kay Abante, walang ‘personal issues ‘ na sangkot sa pagdinig ng Kongreso at may mga lehitimong usapin na nangangailangan ng imbestigasyon, lalo na ang may kinalaman sa government funds.

“We are here to demand accountability and right the wrongs,” sabi ni Abante at idinagdag din nito na ang layunin ng House probe sa mahahalagang usapin ay ang malaman ang kasagutan, matukoy kung sino ang may pananagutan at maiwasang maulit ang mga parehong uri ng kamalian sa hinaharap.


Ukol naman sa pahayag ni dating Pang. Duterte na kinukwestyon ang patuloy na suporta ng militar kay President Marcos, pinuri ni Abante ang Armed Forces of the Philippines sa ginawa nitong paninindigan na huwag makisali sa politika at manatiling tapat sa taumbayan, sa bansa at sa Saligang Batas.

Ayon kay Abante, lumilikha umano si Pang. Duterte ng pagkakabiyak-biyak at kinuwestiyon din nito kung tama ba ang ginawa ni Duterte bilang commander-in-chief dahil ito aniya ay naghahatid ng maling mensahe sa mata ng publiko.

Dapat umanong isipin din ni Duterte kung ano ang mararamdaman niya kung nung panahon niya ay may gumawa din ng parehong uri ng panawagan sa militar.


Tags: Jr., Manila 6th district Congressman, QuadCom chairman Benny Abante

You May Also Like

Most Read