Latest News

Si City Administrator Bernie Ang kasama sina Vice Mayor Yul Servo matapos parangalan bilang "longest-serving Councilor" sa Maynila. Kasama sa larawan sina (mula kaliwa) Councilors Macky Lacson, Jong Isip at Philip Lacuna at Council Secretary Lutch Gempis. (JERRY S. TAN)

MEMBERS NG MINORITY SA KONSEHO NG MAYNILA, TINANGKANG HARANGIN ANG 2025 CITY BUDGET, MAY NANULAK PA NG KAPWA KONSEHAL

By: Jerry S. Tan

KASUNOD ng bigong pagtatangka ng mga miyembro ng minorya ng Manila City Council (MCC) na harangin ang pondong pantulong para sa may 2,000 pamilyang nasunugan sa Tondo kamakailan lamang, ngayon naman ay ang pagpasa ng 2025 budget ng llungsod ang kanilang sinubukang harangin bagamat hindi sila nagtagumpay..

Kaugnay niyan ay pinayuhan naman ni City Administrator Bernardito Ang ang mga minority councilors na: “feel free to question the budget anywhere you please.”

Ikinalungkot umano ni Ang na sa pagtatangka ng mga nasabing konsehal na harangin ang city budget ay lumalabas na hinaharang din nila ang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo para sa mga taga-Maynila, kabilang na ang social amelioration program na nagkakaloob ng buwanang tulong-pinansiyal para sa senior citizens, solo parents, persons at minors with disability at university students; libreng serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga residente at maging ang benepisyo ng mga kawani ng pamahalaang-lungsod, na ilan lamang sa mga gastusin na sakop ng 2025 budget.


Binigyang-dii ni Ang na nitong kamakailan lamang, ang parehong grupo ng minorya sa konseho ay nagtangka din at nabigo sa pagharang ng isang resolusyon na kinakailangan para mapagkalooban ng P10,000 financial assistance ang may 2,000 nawalan ng tirahan dahil sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Tondo

Ayon kay Ang, ang prosesong ginawa ng Manila City Council sa pagpasa ng nasabing budget ay “one hundred percent aboveboard” at alinsunod sa guidelines na ipinalabas ng Malacanang at maging ng Department of Budget and Management. Ito rin aniya ang parehong proseso na gagamitin para maipasa ang 2025 Philippine budget sa House of Representatives alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ani city administrator Ang, ang pagpasa ng 2025 city budget ay “perfectly aboveboard” kaya siya ay nagtataka at duda sa motibo ng mga minority councilors sa pagkuwestiyon sa isang bagay na lehitimo at ligal. Si Ang ay pinarangalan ilang buwang nakararaan bilang Manila City Councilor na may pinakamahabang serbisyo bilang Konsehal ng ikatlong distrito ng lungsod.

Ang Manila City Council sa ilalm ng pamumuno ni Vice Mayor Yul Servo at sa kanyang concurrent capacity bilang Presiding Officer ay nagsagawa ng session kung saan ang Committee on Appropriations sa pamumuno ni Councilor Numero ‘Uno’ Lim (2nd district) ay nag-move para sa pagpasa ng city budget na isinalang sa first, second at third reading.


Sa gitna niyan, ang minority councilors ay nagtangka namang harangin ang pagpasa ng nasabing budget at iginigiit umano na gamitin ang mas mahabang proseso, subalit’ hindi nagwagi sa majority.

Matapos ang kabiguang ito ay nagkaroon ng kaguluhan sa session hall at sa gitna ng pagpapalitan ng mga salita, si Councilor Fog Abante ay biglang itinulak ni Councilor Joey Uy.

Ang video footage ng nasabing insidente ay naglabasan sa social media at ito ay naganap habang naka-break ang session at nasa restroom naman si Servo.


Tags: City Administrator Bernie Ang

You May Also Like

Most Read