Sina Mayor Honey Lacuna at PESO chief Fernan Bermejo habang nag-aanyaya sa publiko sa sumali sa 'Mega Job Fair' sa Biyernes. (JERRY S. TAN)

MEGA JOB FAIR SA QUIAPO NGAYONG BIYERNES, ABRIL 12

By: Jerry S. Tan

NAKATAKDANG magdaos ang Manila city government ng isang ‘Mega Job Fair’ ngayong Biyernes, Abril 12, 2024.

Ito ang inianunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna kasabay ng pag-anyaya sa mga walang trabaho na subukan ang kanilang suwerte sa naturang job fair na inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Fernan Bermejo.


Ayon sa alkalde, idaraos ang naturang job fair sa ground floor ng QQ Mall na matatagpuan sa Quezon Boulevard sa Quiapo, Maynila mula 10:00AM hanggang 4:00PM.

Inaasahan umano na libo-libong job vacancies ang iaalok ng iba’t -ibang kumpanya sa naturang job fair.

Kaugnay nito, inanyayahan ng alkalde ang mga Manilenyo na lumahok sa aktibidad at pinayuhan ang mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng kanilang resumè at sariling ballpen.


Ayon naman kay Bermejo, ang nasabing job fair ay inisyatiba ni Lacuna, katuwang ang QQ Mall, Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) at Manila Field Office ng DOLE-NCR.


Tags: ESO chief Fernan Bermejo, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like