Sina Manila Mayor Honey Lacuna at MDRRMO Director Arnel Angeles matapos bumisita sa isang sunog. (JERRY S. TAN)

MDRRMO, PINURI AT PINASALAMATAN NI MAYOR HONEY SA 24/7 SERBISYO

By: Jerry S. Tan

DAHIL sa 24/y na pagtatrabaho nang walang hinihinging anumang kapalit, pinapurihan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga opisyal at tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa ilalim ni Director Arnel Angeles.

Sa kanyang mensahe nitong Lunes ng umaga sa flagraising ceremony, sinabi ni Lacuna na ang MDRRMO ay nagtatrabaho kahit na lagpas sa itinakda nilang gawain nang walang karagdagang sahod o anumang kapalit, para maserbisyuhan ang lungsod at mga reidente ng Maynila.


“Gusto ko pong magpasalamat sa pamilya ng MDRRMO sa inyong 24/7 na pagtugon sa lahat-lahat ng pangangailangan ng ating lungsod. Isa po sa pinakamabigat na thngkuli ng ang ginagawa ng MDRRMO…24/7 po silang naka-antabay sa lahat ng ganap. Lahat ng klase ng sakuna— bagyo, baha, sunog pati aksidente sa daan, sakop na nila kaya nga po sabi ko wala bang kapaguran ang MDRRMO? Wala. Kasi bagama’t napakarami nilang responsibilidad ay agaran pa rin nila itong nagagawa. Maraming, maraming, maraming salamat,” ani Lacuna.

Anang alkalde, maging sa monitoring ng lagay ng panahon, ang MDRRMO ay wala umanong tigil sa pagtatrabaho upang mabigyan ang pamahalaang-lungsod ng update, kung saan ibabatay ang gagawing aksyon kung kailangan o ‘di kailangan na suspindihin ang mga klase.

‘Yan po ang hindi alam ng lahat…every three hours po ang update ng PAG-ASA…alas-5, alas-8, alas-11, alas-2 at ‘yan po ang laging inaabangan namin ni Director Angeles para hindi po tayo maantala sa pagdedeklara kung me pasok o wala,” ani Lacuna.


Pinapurihan at pinasalamatan din ni Lacuna ang MDRRMO dahil sa pagiging ‘first responders’ ng mga ito sa mga insidente na kailangang magsalba ng mga tao, gaya ng kapag mayroong bagyo o malawakang pagbaha sa mga lugar tulad ng Baseco, Isla Puting Bato at Parola at maging sa mga insidente ng sunog.

“Hindi po nila iniisip ang sarili nilang kaligtasan. Para po sa kanila, mas importante ang buhay ng iba, bago sa kanila. saludo po kami sa inyo,” pagbibigay-diin pa ni Lacuna.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like