Latest News

Binati ni Secretary to the Mayor Bernie Ang sina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna matapos manguna sa survey ng RPMD dahil sa kanilang performance bilang top executives ng Maynila. Sinabi ng tatlo na malaki ang pasasalamat nila sa Panginoon, kasabay ng pag "God First!' sign na trademark ng kanilang partidong Asenso Manilenyo. (TSJ)

Mayor Isko, No. 2 sa ‘Top Performing Mayors’ sa NCR; VM Honey, No.1 sa survey bilang kandidatong Mayor

MULING nagbunga ang performance sa Maynila ng working tandem nina Aksyon Demokratiko standard bearer, .

Sa survey ng ginawa ng non-partisan research group na RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa ‘top performing officials and mayors’ sa National Capital Region (NCR), Nakapagtala si Moreno ng performance rating na 80 percent at pumangalawa kay Quezon City Mayor Joy Belmonte na nakakuha ng 81 percent.

Ang survey ay ginawa mula February 20 hanggang 28, 2022, kung saan pumuwesto rin sina Mayors Toby Tiangco ng Navotas (78%), Vico Sotto ng Pasig (77%) at Oca Malapitan ng Caloocan, (75 % ) para sa third, fourth at fifth spots para sa Top 5 Mayors sa NCR.

Samantala, nanguna naman si Lacuna sa survey para sa mayoral candidates sa Maynila kung saan nakapagtala ito ng 53 percent rating. Malayong segunda naman si Amado Bagatsing na may 28 percent habang si Alex Lopez ay’ ‘poor third’ na nakakuha lamang ng 12 percent.

Ang resultang ito ay nakapaloob sa RPMD Halalan 2022 NCR Survey na isinagawa mula December 16 hanggang December 23, 2021.

Ang ratings at ranking ay komprehensibo at naka-base sa performances ng mga kasali sa survey.

Maraming responsibilidad ang mga mayors bilang local executives at ang mga nanguna sa ranking ay napatunayan na siyang nagtrabaho ng husto base sa naranasan ng kanilang mga nasasakupan at ito ay dapat na papurihan, ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD.

Ang “RPMD Public Satisfaction Survey,” ng RP- Mission and Development Foundation Inc., ay isang independent, non-commissioned survey na ginawa sa bawat lungsod at munisipalidad sa loob ng NCR.

Dito ay tinanong ang mga respondents na, “Do you approve or disapprove of the way [name of Mayor] is carrying out his/her duties as (Mayor)?”

Ang NCR performance assessment survey ng lahat ng City Mayors ay may 10,000 respondents at ang NCR ay may pareho ding respondents at sumasakop sa voters preference para sa election 2022 at isinagawa noong February 22 hanggang February 28, 2022 gamit ang random sampling at face-to-face interviews. Ito ay may margin of error na +/- 1% at may 95% confidence level. (ANDOY RAPSING)

Tags:

You May Also Like

Most Read