Si Mayor Honey Lacuna sa pagbisita sa isang paaralan sa Maynila, kasama si Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY: ‘WAG I-EXPOSE ANG MGA MAG-AARAL SA INIT NG ARAW’

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Mayor Honey Lacuna sa mga nagpapatakbo ng mga paaralan sa Maynila na iwasan ang pagsasagawa ng ‘outdoor activities’ na magbibilad sa mga mag-aaral sa matinding init ng araw.

Iniiwan na umano ng alkalde sa mga school authorities ang desisyon kung anong mga hakbang ang dapat na gawin upang mabawasan ang init na nararamdaman ng mga estudyante at matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Bilang isa ring doktor, sinabi ni Lacuna na batay sa advice ng health experts, ang ‘peak hours’ kung saan masama ang epekto ng pagbababad sa ilalim ng araw ay mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.


Ang pahayag ng alkalde ay sa gitna ng pinakahuling datos ng PAGASA na nagsasabing ang heat index sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay maaring umakyat ng 46 degrees celsius sa mga darating pang araw.

Ayon kay Lacuna, ang desisyon ay nasa school authorities na mismo, dahil sila ang mas nakakaalam kung ano ang magandang gawin sa kanilang paaralan at kung anong mga adjustments ang maaring i-adopt para sa ikagiginhawa ng mga mag-aaral, gayundin ng faculty members at school staff.

Sinabi ni Lacuna na mas gusto pa rin niya ang face-to-face classes dahil na din sa lumalawak na ‘learning gap’ sa mga paaralan.

Hiniilng din niya sa mga school authorities na tiyaking may sapat na bentilasyon ang mga classrooms nila at ang mga bata ay may wastong hydration.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read