Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pagdiriwang ng ika-454th founding anniversary sa lungsod sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rajah Sulayman sa Malate, Maynila.

MAYOR HONEY, VM YUL, PINANGUNAHAN ANG 454 PAGDIRIWANG NG ‘ARAW NG MAYNILA’

By: Jerry S. Tan

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang pagdiriwang ng ika-454 anibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong Martes, June 24, 2025.

“Sa loob ng 454 na taon, ang Lungsod ng Maynila ay nananatiling tahanan ng katatagan, kasaysayan at pagkakaisa ng kanyang mga mamamayan. Sama-sama nating ipagdiwang ang anibersaryo ng ating minamahal na Lungsod ng Maynila,” ani Lacuna sa kanyang mensahe para sa mga residente at manggagawa ng lungsod ng Maynila.


Kapwa nanguna sina Lacuna at Servo sa pagdiriwang ng ‘Araw ng Maynila’ na kinatampukan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento sa Malate ni Rajah Sulayman, ang kauna-unahang bayani ng Masnila.

Sinamahan sila ng mga kinatawan mula sa Philippine Navy, Boy Scouts of the Philippines, Barangay Officials at city employees mula sa Department of Public Services, Department of Engineering and Public Works, Parks Development Office at Department of Tourism, Culture and Arts of Manila.

Bago niyan ay binigyang pagkilala din ng pamahalaang-lungsod ang ilang indibidwal at negosyo na nakapag-ambag sa progreso ng Maynila.



May kabuuang 382 empleyado naman ang binigyan ng service loyalty awards para sa kanilang serbisyo sa lungsod sa loob ng 25, 30, 35, 40 at 45 na taon.

Isang job fair din ang ginanap na nakapagbigay ng trabaho sa libong Manilenyo na walang hanapbuhay, bilang bahagi ng mga akbitidad patungo sa ‘Araw ng Maynila.’


Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like