Sina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Manila department of social welfare chief Re Fugoso sa mabilis na pagdalo sa mga nasunugan nitong weekend.

MAYOR HONEY, VM YUL, AGAD NAGBIGAY TULONG SA MGA NAMATAYAN SA SUNOG

By: Jerry S. Tan

AGARANG naghatid ng tulong sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, kasama si Manila department of social welfare chief Re Fugoso, sa mga pamilyang biktima ng sunog sa Sampaloc, lalo na sa mga nawalan ng mahal sa buhay sa nasabing insidente.

Personal ding nagpaabot sina Lacuna at Servo ng pakikidalamhati at tulong pinansyal sa mga pamilya ng nasawi sa nasabing sunog sa Sanmpaloc at mula doon, sila ay nagtungo naman sa Intramuros upang bisitahin ang iba pang biktima rin ng sunog.

Napag-alaman kay Fugoso na bawat pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog ay pinagkalooban ng P10,000 habang ang mga pamilyang may kaaanak o kasama sa bahay na nasawi sa naturang sunog ay pinagkalooban naman ng tig-P20,000. Bukod pa ito sa iba pang tulong na ibinigay ng pamahalaang-lungsod gaya ng pagkain, hygiene kits at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasusunugan.


Nagpahayag ng pagkalungkot si Lacuna dahil may mga nasawi sa sunog sa Sampaloc fire, kasabay ng muling pagpapa-alala sa mga residente na gawin ang lahat upang maiwasan ang sunog lalo na ang pagkawala ng buhay.

Una nang naulat na anim katao ang namatay kabilang na ang dalawang bata, sa sunog na tumupok sa isang residential building sa kanto ng Laong Laan at Blumentritt Streets sa Sampaloc, Maynila. Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), tatlo sa mga nasawi ay natagpuan sa second floor habang ang iba pa ay sa ground floor naman nakita.

Nagsimula ang nasabing sunog dakong 2:40 a.m. at umabot ng second alarm bago tuluyang naapula ang apoy ganap na 4:24 a.m.

Samantala, pinangunahan nina Lacuna at Servo ang katangi-tanging pinakamalaking pamimigay ng food boxes bilang bahagi ng ’12 Days of Christmas’ gift-giving ng lungsod ngayong taon.


May kabuuang 24,397 boxes ang ipinamahagi sa mga residente ng Barangay 20 at Barangay 275 sa Parola, Tondo, na isang sa pinakamataong lugar sa Maynila.

Inumpisahan nina Lacuna at Servo ang pamamahagi ng Christmas food boxes sa may 700,000 pamilya sa Maynila noong December 1, upang tiyakin na lahat ng pamilya sa lungsod ay may pagsasaluhan sa araw ng Pasko . Ang mga nasabing kahon ay naglalaman ng noche buena items at lahat ng pamilya, anuiman ang estado sa buhay basta kasama sa listahan ay tatanggap ng naturang Pamasko.

Tags: Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like

Most Read