Latest News

Idineklara ni Mayor Honey Lacuna na ang kanyang pamunuan ay nag-aalay ng mga programang tunay na magbibigay ng tirahan sa mga taga-Maynila na maaring maging kanila. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, PUMALAG SA KASINUNGALINGANG WALA DAW GINAGAWA PARA BIGYAN NG PERMANENTENG BAHAY ANG MGA MANILEÑO

By: Jerry S. Tan

FAKE NEWS.

Iyan ang naging tugon ni Manila Mayor Honey Lacuna sa mga paratang ng nakaraang mayor na si Isko Moreno na walang ginagawang hakbang ang kanyang administrasyon para mabigyan ng permanenteng bahay ang mga residente ng Maynila.

“Para sa kaalaman ng lahat, tuloy-tuloy po ang ating programa sa pagbibigay ng ABOT-KAYANG LUPA sa mga Manileño—lupa na maaari nilang tayuan ng bahay at tuluyang ariin bilang kanila,” ani Lacuna.


Ani Lacuna, habang pinagmamalaki ng dating administrasyon ang kanilang mga proyektong “pabahay,” ang tanong ay kung sino ba ang tunay na nakinabang.

“Habang-buhay na inuupahan lang po ang mga ito ng mga Manileño. Buwan-buwan ay obligado silang magbayad ng P2,000 hanggang P3,000 para sa isang bahay na hindi naman magiging kanila,” saad ni Lacuna.

Dagdag pa ng alkalde: “…ang masakit pa, iniwan tayo ng dating administrasyon ng P6.8 BILYON na utang para  sa mga proyektong ito—isang utang na hanggang ngayon ay patuloy nating binabayaran. Nakalulungkot dahil mahigit isang libong residente lang  ang nakinabang, habang milyon-milyon pang Manileño ang nangangailangan ng tunay na permanenteng tirahan.”

“Sa ilalim ng ating pamamahala, inuuna natin ang mga programang TAPAT AT TOTOO, at siguradong makikinabang ang lahat. Hindi lamang pansamantala, kundi pangmatagalang solusyon ang binibigay natin sa ating mga Manileño dahil naniniwala po tayong ang bahay ay hindi dapat upahan lang, kundi dapat ariin,” pahayag pa ni Lacuna.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read