Latest News

Sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo matapos tanggaping ng pamahalaang-lokal ng Maynila ang 2024 Good Financial Housekeeping mula sa DILG.

MAYOR HONEY, PINARANGALAN NG DILG SA MAAYOS NA PAGHAWAK NG PONDO

By: Jerry S. Tan

BINIGYANG-PAGKILALA ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang administrasyon ni Mayor Honey Lacuna para sa maayos nitong pamamahala sa pondo ng Maynila.

Napag-alaman na naipasa ng Maynila ang 2024 Good Financial Housekeeping (GFH) bilang patunay na ang patakbo ni Lacuna sa pamahalaang-lokal ay maayos at may mataas na ‘accountability’ at ‘good governance’.

Ang nasabing pagkilala ay ipinagkaloob kay Lacuna ng DILG na inilarawan ang nasabing karangalan sa Facebook post nito bilang: “A well-deserved recognition for transparency and excellence.”


“This achievement reflects the city’s dedication to responsible financial stewardship, ensuring that public funds are managed efficiently for the benefit of every Manileño,” ayon pa sa DILG.

Matatandaan na noong 2023, nakakuha din ng parehong uri ng karangalan ang lungsod sa ilalim ng pamamahala ni Lacuna matapos na pumasa sa 2022 good financial housekeeping assessment.


“Ito po ‘yung katunayan na ang nakaupo (Mayor Lacuna) ay matino at mahusay sa paghawak ng ating pananalapi. Lahat ng documents ay maaring ma-access ng publiko,” pahayag ng DILG .

Nagpasalamat naman si Lacuna sa natamong parangal ng lungsod, at aniya, magsisilbi ito bilang inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang kanyang tungkulin bilang alkalde ng Maynila at umaasa din umano siya na ganito rin ang gagawin ng kanyang mga kapwa opisyal at manggagawa sa City Hall .


Mula’t sapul, ani Lacuna, ay naging prinsipyo na niya na pagdating sa pondo ng Maynila, lahat silang opisyal ng lungsod ay dapat na maging lubhang maingat at tinitiyak na ito ay ginagastos sa matalino, episyente at tamang pamamaraan lamang.

Binigyang kredito din ng lady mayor ang kanyang mga kapwa opisyal at kawani na siyang namamahala sa pangalaga ng pananalapi ng pamahalaang lungsod at ito ay sa kabilang ng iniwan na utang na P17.8 ni ex-Mayor Isko Moreno.

Ayon pa kay Lacuna, lahat ng karangalang tinatamo ng kanyang administrasyon ay dahil sa pagtutulungan at suporta ng lahat ng mga opisyal at kawani ng lungsod.

“Hindi po natin makakamit ang mga bagay na ito nang ako lamang mag-isa. Kaya naman, salamat sa aking mga kasamahan sa City Hall at nabwa ay magsilbing inspirasyon ang mga parangal na kagaya nito para higit pa nating pagbutihin ang ating trabaho sa araw-araw,” ayon pa sa alkalde.

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna at actor Coco Martin

You May Also Like

Most Read