Buong-pagmamalaking niyakap ng Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes si Manila Mayor Honey Lacuna bilang kasapi nila at dahil sa pagiging mabuting halimbawa nito sa mga kabataan.

MAYOR HONEY, PINAGMAMALAKING NIYAKAP NG SENIOR CITIZENS PARTY-LIST, TANGING MAYOR NA NAG-DOBLE NG AYUDA NG SENIORS

By: Jerry S. Tan

BUONG pagmamalaki at mainit na niyakap ng Senior Citizens Party-list si Mayor Honey Lacuna bilang miyembro ng kanilang sektor, kung saan sinabi nito na ang alkalde ay nagsisilbing mabuting halimbawa sa mga kabataan at maging seniors at dahil sa pag-doble nito sa ayuda ng mga nakatatandang residente sa lungsod.henerasyon sa kabisera ng bansa.

“Taglay ni Mayor Honey ang mga katangian ng mabuting lider na may prinsipyo, may isang salita, at tumutupad sa pangako,” pahayag ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes. Si Lacuna ay nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan niton lamang May 6.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si Ordanes sa lahat ng senior citizens sa lungsod ng Maynila na suportahan si Lacuna, bilang tanging alkalde na nag-doble ng allowance ng mga senior citizens, kung saan ay pinantayan ang pension na ibinbigay ng national government.


“Sa darating na Mother’s Day, ikasa na ninyo na ang inyong desisyong piliin sa araw ng halalan si Mayor Honey Lacuna—ang tanging Ina ng Maynila, at kanyang mga kapanalig sa Asenso Manileño,” aniya.

“Si Mayor Lacuna ay mabuting ehemplo sa mga kabataang Manileño. Nagtapos siya ng kolehiyo, nagsumikap maging doktor, pumasa sa board exam, at nag-aral pa more para maging espesyalistang doktor sa mga sakit sa balat. Pinalakas ni Mayora ang sustento at subsidy ng Maynila para sa PLM at UDM. Dinagdagan niya ang mga school buildings at kagamitan sa mga paaralan,” dagdag pa ni Ordanes.


Pinalakas din umano ni Lacuna ang ekonomiya ng lungsod: “Talaga ngang masinop, hindi nangungutang, hindi nagbenta ng ari-arian ng Lungsod at siya pa ngang nagbabayad ng utang ng nakalipas na administrasyon.”

Binigyang-diin pa nito na bagama’t isa nang senior citizen, si Mayor Honey ay nananatiling malakas ang sigla at pangangatawan, kung saan ay dinadaig pa nito ang mga tinatawag na ‘young adults’ dahil sa pagiging disiplinado sa katawan at lifestyle.


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read