Latest News

Nananawagan si Mayor Honey Lacuna sa mga Manila employees at residente na makiisa sa civil-military parade para sa 'Araw ng Maynila' sa June 24. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NANAWAGAN SA MGA KAWANI AT RESIDENTE NA MAKIISA SA PAGDIRIWANG NG ARAW NG MAYNILA SA HUNYO 24

By: Jerry S. Tan

“Lahat ay hinikikayat ko bilang pagdiriwang na tayo ay magkita-kita sa Lunes, June 24, sa Dagonoy, Onyx para sa ating taunang civil-military parade. Kayo ay bahagi ng lungsod ng Maynila kaya marapat lamang na kasama namin kayong lahat sa pagdiriwang ng napakahalang araw na ito,

Ito ang naging panawagan ni Mayor Honey Lacuna sa lahat ng mga opisyal, kawani at residente ng Maynila, na aniya ay inaasahan niyang makiikibahagi sa selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ sa June 24, 2024 para sa paggunita ng ika- 453 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod na siya ring kabisera ng bansa.

Gaya ng ginawa noong isang taon, isang civil-military parade ang gaganapin at ngayong taon, ito ay sa Dagonoy sa Onyx na lalahukan ng lahat ng city employees at mga Manila-based organizations para sa nasabing pagdiriwang.

“Sa susunod na linggo, sa Lunes, ay ipagdiriwang na natin ang ika-453 taon ng pagkakatatag ng lungsod ng Maynila, isang bagay na hindi natin dapat balewalain dahil sa lob ng 453 years at hinubog ang Maynila bilang tunay na karapat- dapat bilang kapitolyo ng ating bansa,” ani Lacuna.

Kaugnay niyan, pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng tumulong sa Maynila upang manguna sa iba pang mga lungsod sa bansa.

“Sa lahat ng mga katulong natin sa paglilingkod, pribado man o kasama natin sa trabaho, maraming-maraming salamat sa inyong lahat,” saad nito.

Binigyang-diin ni Lacuna na dapat ikarangal ng mga taga-Maynila na sila ay ipinanganak, lumaki, nag-aral, nagkaroon ng pamilya at naglingkod sa lungsod.

Pinuri at pinasalamatan nya rin ang lahat ng mga naging katuwang ng pamahalaang-lungsod mula sa private sector at maging mga indibidwal na patuloy na tumutulong sa lungsod sa iba’t-ibang paraan na ang ilan ay kinilala at pinarangalan sa ‘Gawad Manileno 2024 na idinaos kelan lamang.

Tags:

You May Also Like

Most Read