Latest News

Si Mayor Honey Lacuna habang pinangungunahan ang pagdiriwang ng Civil Service month. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NANAWAGAN NG PATULOY NA KATAPATAN AT KAGALINGAN SA SERBISYO SA PAMAHALAANG-LUNGSOD

By: Jerry S. Tan

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng kawani ng City Hall na maging totoo at tapat sa sinumpaang tungkulin at ibigay ang lahat ng makakaya para makapagbigay ng mahusay na serbisyo -publiko.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan sa regular flagraising ceremony ng Manila City Hall, kung saan pinangunahan niya ang lahat ng naglilingkod sa pamahalaang- lungsod sa paggunita ng Civil Service Month at sa pagdiriwang ng ika-123 taong anibersaryo ng Philippine Civil Service.

Ayon sa alkalde, lahat ng kawani ng lungsod, kabilang na ang kanyang sarili, ay pawang miyembro ng civil service kaya sila ay tinatawag na ‘civil servants.’


“Paalala lamang po… dahil tayo ay nagdiriwang ng ika-123rd anibersaryo ng ating civil service ay marapat lamang po na patuloy tayong maging tapat sa ating mga tungkuling sinumpaan nung tayo po ay maging kasapi ng pamahalaang lungsod ng Maynila ,” ani Lacuna.

“… Maging tapat tayo sa ating mga ginagawa sa loob ng ating mga tanggapan dahil kung tayo ay tapat at masinop, mas madami po tayong mapaglilingkuran nang maayos,” dagdag nito.

Sa nasabi ring okasyon ay pinuna ni Lacuna ang mga maling salita sa “Panunumpa sa Watawat” na binibigkas ng mga dumalo sa flag ceremony ng umagang iyon.

“Ako ay nakkiusap sa inyong lahat na tuwing sasapit ang ating flag ceremony ay me mali tayong ginagawa, . ang ‘Panunumpa sa Watawat’ mali ang bigkas natin tinatalo pa tayo ng mga mag-aaral,” pahayag ni Lacuna.


Ayon sa alkalde, sa halip na basta na lamang sinasabi na “…maka-Diyos at maka-kalikasan”, ang nasabing bahagi ay dapat na ganito: “maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bansa.”

“Sana sa mga susunod na magiging host ng flag ceremony isaisip po natin ‘yan lagi..’yun po ang pagkakasunod-sunod,” dagdag pa ni Lacuna.

Pinaalalahanan din ni Lacuna ang mga magsasagawa ng pagtitipon sa hinaharap na kung kailangang bigkasin ang ‘Panunumpa’ ay tiyakin lamang na tama, wasto at eksakto ang mga salitang gagamitin.


Tags:

You May Also Like

Most Read