Si Mayor Honey Lacuna habang nananawagan ng pagkakaisa patungo sa ‘Magnificent Manila in 2030.’ (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA PATUNGONG ‘MAGNIFICENT MANILA IN 2030’

By: Jerry S. Tan

HINILING ni Mayor Honey Lacuna ang iisang direksyon na pagtahak ng lahat ng Manileño tungo sa katuparan ng layunin ng pamahalaang-lungsod para sa isang “Magnificent Manila” sa taong 2030.

Binigyang-diin ng alkalde na magiging posible lamang ito kung ang lahat ng nagpapatakbo ng lungsod at maging ang mga residente ay kumikilos nang sabay-sabay patungo sa iisang pangarap.

Partikular na nanawagan si Lacuna sa mga puno ng iba’t-ibang departmento, kagawaran at tanggapan para tiyakin na ang kanilang mga programa, proyekto at plano na nakalinya sa mga ginagawa ng executive department


“Ang lahat po dapat ng mga plano, proyekto at programa ng ating lungsod ay masiguro natin na iisa lang ang tono… iisa lang ang kumpas… iisa ang patutunguhan,” ayon sa kanya.

Sa pagkilos nang iisang direksyon patungo sa katuparan ng kanyang adhikain, sinabi ni Lacuna na ang plano ng lungsod na maging isang world-class city ay makakamit nang mas mabilis at may katiyakan.


“Sa tulong po ninyong lahat, kapag tayo ay tulong-tulong at iisa ang tono, walang imposible,” pahayag ng alkalde.

Idinagdag pa ni Lacuna na: “Kaya hinihikayat ko ang lahat na sana ay magtulungan tayo nang sa gayon, lahat ng ating pangarap para sa minamahal nating lungsod ay magkaroon ng katuparan, para sa “Magnificent Manila” in the year 2030.”


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read