MAHIGPIT na nanawagan ng ibayong pag-iingat at pagsunod sa mga nakasanayang basic health protocols habang nagdiriwang ng holidays, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa COVID update ni Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold Pangan, sinabi ni Lacuna na sa loob ng dalawang linggo ay may ‘steady’ na pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Maynila, kung saan noong December 22 lamang ay may naitala umanong 25 na bagong kaso, kung kaya’ t umabot na sa 111 ang ‘total confirmed, active cases’ sa lungsod.
Pinuna ni Lacuna na noong nakaraang isang linggo at kalahati, ang kabuuang total lamang ay 40 at ito ay tumaas na sa 111 sa loob lamang ng wala pang 10 araw.
“Paalala ko lang sa aking mga kababayang Manilenyo, patuloy po tayong mag-iingat. Tutal gaya ng dati, nasanay na kayo mag-facemask, ipagpatuloy natin. Ito naman po ay boluntaryo,” saad ni Lacuna.
“Kung ako ang masusunod, lahat gusto ko mag-face mask ulit lalo ngayong Kapaskuhan dahil kaliwa’t- kanan ang Christmas party, araw-araw may pinupuntahan tayong mga kasiyahan, pag mamimili ng regalo, siksikan din sa mga pamilihan gaya ng malls, public markets.. kahit sa Divisoria, Recto, Binondo, madaming tao dahil ang Maynila ay talagang puntahan ng mga namimili ng regalo para sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay,” ayon pa sa alkalde.
Binigyang-din din nito ang kahalagahan ng pagse-self-isolate kung may nararamdaman nang sintomas, upang maiwasan na makapang-hawa pa ng iba.
Kaugnay nito ay hinikayat din ng alkalde ang mga ‘high-risj’ o madaling mahawaaang sektor na ugaliin ang pagsunod sa basic health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa matataong lugar lalo na sa mga matatanda, mga sobrang bata, nagdadalang-tao at ang mga immuno-compromised o may comorbidities.
“Mag-ibayong pag-iingat po tayo ngayon dahil patuloy ang pagtaas ng mga kaso. Ako po ay nakikisuyo, sa mga darating na araw ay patuloy tayong mag-ingat para mas ma-enjoy natin ang buong holiday season,” pahayag ng alkald.
Aniya, ang mga kaso ng reinfection o nagkaroon muli at ang recent positivity rate sa Maynila ay tumaas umano ng 22 percent noong nakaraang linggo, kumpara sa nakaraang 16 percent lamang.














