TAOS-PUSONG pusong pasasalamat ang ipinaabot ni Manila Mayor Honey Lacuna kay Vice Mayor Yul Servo-Nieto at sa members ng Manila City Council sa pagtulong sa kanyang administration upang magtagumpay ito.
Nagpahayag din ng pagtitiwala ang alkalde na magpapatuloy ang mabuti at nagkakasundong relasyon sa pagitan ng ekekutibo at lehislatibo ng lungsod sa mga susunod na taon.
“Salamat sa walang sawang suportang ibinibigay nila sa kin at sa pamahalaang-lungsod ng Maynila… sa lahat ng ordinansa at resolution na sa tingin nila ay kapaki-pakibanang para sa ating lungsod ay agad po nilang ginagawa,” sabi ni Lacuna.
Kinilala ng alkalde ang papel na ginagampanan ng Office of the Vice Mayor at Manila City Council upang ang mga programang kanyang inilatag para sa mamamayan ng Maynila ay maipatupad sa lalong madaling panahon.
“Isa lamang itong patunay kung gaano kagaling at ka-epektibo ang ating pangalawang Punong-Lungsod, kagalang-galang John Marvin ‘Yul’ Servo-Nieto…isang patunay ng magandang samahan ng ehekutibo at lehislatura kung kaya’t mas mabilis at maraming nagagawa ang ating pamahalaan,” dagdag pa ng lady mayor.
Ang alkalde ay dati ring Manila Councilor bago naupo bilang Vice Mayor at concurrent Presiding Officer ng Manila City Council.
Samantala ay nagpahayag ng pagtanaw ng utang na loob si Lacuna sa mga ahensya, tanggapan at kawani na tumulong para sa tagumpay ng Feast of the Black Nazarene.
“Extra thanks sa lahat ng kagawaran, tanggapan at kawanihan ng pamahalaang-lungsod ng Maynila na naging bahagi sa matagumpay, maayos at mapayapang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno,” sabi nito.
Partikular na pinasalamatan at pinuri ng alkalde ang mga sumusunod: Manila Disaster Risk Reduction Magament Office sa ilalim ng Director Arnel Angeles; City Engineering Office sa ilalim ni chief Engr. Armand Andres; Department of Public Services sa ilalim ni Kayle Nicole Amurao; Manila Parking and Traffic Bureau sa pamumuno ni Zenaida Viaje; Manila Health Department sa ilalim ni Director Dr. Poks Pangan; Manila Department of Social Welfare sa pamumuno ni chief, Re Fugoso; Department of Tourism sa pamumuno ni Charlie Dungo bilang director; Manila Public Information Office sa pamumuno ni Atty. Princess Abante at ang Office of the Mayor.
Binigyang papuri din ni Lacuna ang Manila Police District sa pamumuno ni Director, PBGen. Andre Dizon at ang Bureau of Fire sa pamumuno ni FS Supt. Christine Cula, kasama ang ilang pang national agencies na tumulong upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng Feast of the Black Nazarene orderly.
“Salamat sa mga tumulong… tunay na naging maayos ang pagpaplano at maagang paglalatag ng mga mahalagang guidelines na naisakatuparan para sa matagumpay nating gawain,: sabi ng alkalde.
“Maraming salamat sa pamunuan ng Quiapo Church, kay Rector and Parish Priest Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. at mga kasamang kaparian at bumubuo ng hijos del Nazareno at libo-libong deboto. Lahat ng ito ay dahil sa pagpapala ng ating Panginoon,” dagdag pa ni Lacuna. (JERRY S. TAN)














