Itinuturo ni Manila Mayor Honey Lacuna kay City Engineer Armand Andres ang mga kalat dahil sa paggiba ng COVID Field Hospital na aniya ay dapat linisin sa kanyang pagbisita sa Quirino Grandstand. Nasa kaliwa si MPD Director PBGen. Andre Dizon, na naghayag din ng mga regulasyon ukol sa pagdiriwang ng piyesta ng Poong Itim na Nazareno. (JERRY S. TAN)

Mayor Honey, naghayag ng kahandaan ng lungsod sa Pista ng Quiapo; PTCFOR, suspendido ayon kay Dizon

Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna na nakahanda na ang lahat sa selebrasyon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Enero 9 sa Maynila.

Ayon kay Lacuna,inaasahan niya ang pagdagsa ng mga debito sa nakatakdang misa at sa “Pagpupugay” sa replika ng Itim na Nazareno na dadalhin sa Quirino Grandstand.


Ito umano ang ipinalit sa “pahalik” kung saan hihipuin at pupunasan ang paa ng Itim na Nazareno habang nakapila.

Una nang nagsagawa ng inspeksiyon si Lacuna, kasama sina Manila Police District (MPD) Director PBGen. Andre Dizon at City Engineer Armand Andres.

Nabatid na iniutos na rin ni Lacuna na linisin ang site kung saan tinanggal ang COVID Field Hospital , at ang paglalagay ng mga barikada,portalets at sound system sa lugar


Samantala, sinabi naman ni Dizon na manggagalin sa MPD, Northern Police District, Southern Police District, Eastern Police District, Quezon City Police District, Bureau of Fire Protection, Metro Manila Development Authority at Armed Forces of the Philippines, ang security forces na magbabantay sa mga deboto.

Kumpiyansa run si Lacuna kay Dizon na magigjng maayos ang pagbibigay ng seguridad sa pagdiriwang ng Kapistahan.


Nabatid na hiwalay rin ang linya para sa mga senior citizen,buntis at Person with disablities sa pagpupugay.

Permit sa pagdadala ng baril,suspendido sa Maynila


Sinuspinde mula kahapon,Enero 6 hanggang Enero 9,ang permit sa pagdadala ng baril sa Maynila.

Kaugnay nito ay inihayag ni PBGen. Dizon na lahat ng permits to carry firearm outside residence (PTCFOR) ay sinuspinde kaugnay ng selebrasyon ng kapistahan ng Itim na Nazareno at sa mga aktibidad may kinalaman sa kapistahan mula Enero 6.

Pinayuhan din ni Dizon ang publiko na huwag magdala ng payong dahil mga transparent na kapote lamang ang pinapayagan na gamitin.



Hindi rin pinapayagan ang pagdadala ng backpacks at inoobliga ang lahat na magsuot ng facemask.

Inabisuhan rin ni Dizon ang publiko na sundin ang social distancing kahit pa sa open air gagawin ang mga aktibidad.

Sa kabila na wala umanong banta sa seguridad ,tiniyak ni Dizon na bantay -sarado ng.mga pulis ang mga deboto.

Pinayuhan rin ni Dizon ang publiko na iwasang magsuot ng alahas at magsama ng mga bata. (JERRY S. TAN)

Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like