Si Mayor Honey Lacuna, kasama si City Administrator Bernie Ang (kaliwa) habang itinu-turnover kay MPD Director Gen. Arnold Thomas Ibay ang  mga bagong handheld radios na maaring gamitin para sa mas mabilis na komunikasyon. Kasama rin sa larawan si Alma Galvez, administrative officer ng MADAO. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NAG-TURNOVER KAY MPD CHIEF IBAY NG 270 HANDHELD RADIO UNITS

By: Jerry S. Tan

NAGKALOOB ang pamahalaang-lungsod ng Maynila ng may kabuuang 270 handheld radio units sa Manila Police District (MPD) upang makatulong sa higit pang pagpapabuti ng kapulisan ng kanilang pangaraw-araw na pagtupad sa tungkulin.

Personal na tinurn-over ni Mayor Honey Lacuna ang nasabing mga radio units kay  MPD Director Gen. Arnold Thomas Ibay, kasama sina City Administrator Bernie Ang at Alma Galvez, chief administrative officer ng Manila Anti-Drug Abuse Office.


Ayon kay Lacuna, ang mga  nai-turnover na radio units ay isang maliit na kaparaanan upang maipakita ng pamahalaang-lungsod ang buong pagsuporta at pasasalamat nito kay Ibay at sa mga bumubuo ng  MPD sa kanilang epektibong  pagpapatupad ng batas at pag-aalaga sa kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng Maynila.  Napag-alaman na ang mga nasabing  radio units ay binili ng Manila peace and order council na pinamumunuan ni Lacuna at  ni Ang bilang vice chair naman.

“It is because of the MPD, of course through the leadership of Gen. Ibay, that all of us who reside in Manila are able to go about our daily lives without having to worry about being victimized by criminal elements and also sleep soundly at night,” ani Lacuna, na residente ng Sampaloc sa Maynila.

Inihayag naman ni Ang na ang mga opisyal ng lungsod ay suportado ang commitment ng alkalde na ibigay ang lahat ng uri ng posibleng suporta para sa MPD at  aniya, lahat silang opisyal ay inatasan ng alkalde na patuloy lamang na mag-isip ng mga kaparaanan para higit pang palakasinang kakayahan ng  MPD upang maging karapat-dapat sa tawag na ‘Manila’s Finest.’


Malugod namang tinanggap ni Ibay ang mga radio equipment  at nagpahayag din ito ng pasasalamat kay Lacuna dahil aniya, ang mga nasabing radio units ay malaki ang maitutulong sa mga kapulisan upang higit nilang mapaghusay at mapabilis ang kanilang pagtupad sa tungkulin.

“Nagpapasalamat kami kay mayora dahil sa pagbibigay ng additional radio equipment at magagamit nang husto ito ng ating mga patrollers.  Minsan walang signal ang mga cellphones, makaka-konekta tayo…makakausap natin sila sa mga responde at patrulya na kanilang gagawin nang mas mabilis,” ani Ibay.


 


Tags: Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like