PINAPLANO nang isama ang minors with disabilities (MWDs) sa listahan ng mga sektor na nakatatanggap ng buwanang pinansiyal na tulong mula sa pamahalaang-lungsod ng Maynila.
IAyon kay Mayor Honey Lacuna, nagbigay na siya ng direktiba kay Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso na kumpletuhin na ang listahan na kailangan para sa implementasyon ng plano.
Ang pahayag ni Lacuna ay alinsunod sa Ordinance 8991 na ipinasa sa Manila City Council kamakailan at principally authored ni Councilor Fa Fugoso (3rd district).
Dahil dito ay pinasalamatan ng lady mayor ang Manila City Council, partikular si Vice Mayor Yul Servo na presiding officer ng konseho, gayundin sina majority floorleader Councilor Jong Isip, Fugoso at ang lahat ng Konsehal na sumuporta sa mabilisang pagpasa ng nasabing ordinansa kung saan isinasama na sa social amelioration program (SAP) ng lungsod ang MWDs.
Bunga nito, sinabi ni Lacuna na ang mga nasabing MWDs ay tatanggap na ng ?500 bilang monthly allowance mula sa lungsod ng Maynila. .
Ayon Kay Lacuna, labis siyang nasisiyahan sa pagyakap sa mga MWDs at sa pagbibigay sa kanila ng tulong kahit sa maliit na paraan lamang.
Sinabi naman ni Servo na ang Ordinance 8991 na ipinasa nitong September 19, 2023 ay nag-amiyenda sa Ordinances 8565 atd 8756, na nagbibigay ng allowance sa mga adult persons with disabilities (PWDs), maliban pa sa seniors at solo parents na nakatira sa Maynila.
Sa ilalim ng pag-amyenda na ginawa ni Fugoso, lahat ng PWDs edad 59 pababa ay tatanggap ng ?500 monthly cash allowance kung sila ay nakatira na sa Maynila sa loob ng anim na buwan. Ang kanilang pangalan ay dapat ding lumabas sa listahan ng PWDs na mula sa Manila Department of Social Welfare sa pamumuno ni Re Fugoso.
“They must also be registered voters of Manila, except for minors whose parents or legal guardians must, however, be registered as voters in the city,” dagdag ni Fugoso.
“This ordinance will lessen the burden to the families of minor PWDs and make these children happier. The listing and verification will fall under the supervision of the Manila Department of Social Welfare”, saad pa ni Councilor Fa Fugoso sa kanyang sponsorship speech.
Sa kasalukuyan, ang pamahalaang-lokal ng Maynila ay nagbibigay ng buwanang financial aid sa senior citizens, PWDs, solo parents, Grade 12 students at mga mag-aaral mula sa dalawang kolehiyong pinatatakbo ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila.