Latest News

Si Mayor Honey Lacuna at MDRRMO chief Arnel Angeles nananguna sa "Fire Prevention Month 2024" sa Maynila. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, MDRRMO CHIEF ANGELES, NANGUNA SA ‘FIRE PREVENTION MONTH’ SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

PINANGUNAHAN mismo ni Mayor Honey Lacuna, kasama si Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles, ang observance ng “Fire Prevention Month 2024” sa lungsod ng Maynila.

Ito ay sa pamamagitan ng parada na layuning pataasin ang kamalayan ng mga residente kung paano maiwasan ang mga insidente ng sunog.

Sa ilalim ng temang: “Sa Pag-Iwas sa Sunog, Di Ka Nag-iisa,” ang nasabing parada ay nilahukan din ng mga miyembro ng iba’t-ibang grupo ng fire volunteer organizations sa Metro Manila, na namigay din ng flyers na naglalaman ng mga tips ukol sa fire prevention.

Binigyang-diin muili ni Lacuna ang kanyang palagiang panawagan sa mga residente na siguraduhing kapag may sunog ay dapat na unahing iligtas ang buhay kaysa sa mga ari-arian.

“Tandaan po natin palagi, na ang mga kasangkapan ay maaring mapalitan pero ang buhay ay hindi, kaya sana, kapag may sunog, unahin po nating iligtas ang ating mga sarili at mga kasamahan sa bahay,” saad ng alkalde.

Labis na ikinalulungkot ni Lacuna na bago pa ang pagpasok ng Fire Prevention Month ngayong Marso, ay mayroon ng mga sunog na nagaganap sa lungsod at kung minsan ay sabay-sabay pa ito.

Dahil dito ay inaasahan umano niya na ang naturang parada ay lilikha ng kamalayan sa kung paano maiwasan ang sunog at kung ano ang mga dapat gawin kapag nangyayari na ang sunog.

Samantala, napag-alaman na ang Department of Tourism Western Visayas ay bumisita sa MDRRMO at sa nasabing pagbisita ay ipinakita ng MDRRMO ang ‘best practices’ nito pagdating sa pagresponde sa mga sunog, emergencies at calamities at iba pang uri ng disaster, di lamang sa Maynila kundi maging sa ibang panig ng bansa.

Binigyan din ng MDRRMO ang mga bisita ng “Go Bags” na naglalaman ng mga kagamitang magagamit sa panahon ng kalamidad at disaster.

Tags:

You May Also Like

Most Read