Pumangatlo si Mayor Honey Lacuna sa cluster rankings ng Mayors-National Capital Region survey ng RP Mission and Development Foundation, Inc. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, IKATLO SA SURVEY NG MAYORS SA NCR

By: Jerry S. Tan

NAKUHA ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ikatlong puwesto sa ‘job performance survey’ na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. kelan lamang.

Si Lacuna ay nakakuha ng nasabing ranggo dahil sa kanyang ‘highly-efficient programs and services’ na inaalok ng local government para sa third quarter survey ng nasabing foundation na sumasakop sa period na mula September 20 hanggang September 30, 2023.


Ang lady mayor ay nakakuha ng ikatlong ranggo na may rating na 89.7% sa Mayor-National Capital Region survey, kung saan kasama niya sa top three spots sina Pasig Mayor Vico Sotto at Makati Mayor Abby Binay.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa tiwala at suporta na ibinigay ninyo sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila. Hangarin namin na patuloy na magbigay ng mapagKALINGA at tapat na paglilingkod sa lahat ng Manileño,” pahayag ni Lacuna bilang reaksyon sa natamong pagkilala.

Gaya ng dati, hindi sinolo ni Lacuna ang pagkilala, dahil binigyang-diin niya na ang tagumpay ng kanyang pamamahala ay kanyang natamo sa tulong ng walang-sawang suporta at kooperasyon ng mga city officials at kawani ng lungsod.


“Hindi ko po magagawa ang lahat ng ating napapagtagumpayan kung wala ang tulong at suporta ng aking mga kasamahan sa City Hall, kaya maraming salamat po sa kanilang lahat,” ani Lacuna.

Ang NCR-Mayors’ Survey ay bahagi ng “Boses ng Bayan”, isang comprehensive evaluation ng performance ng mga public officials gamit ang face-to-face interviews kung saan may kabuuang 10,000 adult respondents at sampling margin na error+/-1%.


Sa nasabing survey, pinili nila ang mga registered voters at mga respondents na malayang pinili gayundin ang bilang ng mga respondents kada distrito ay dapat na proportional sa nakalaang bilang base sa official voting population data.

Ayon sa RPMD ang regular evaluations ay mahalaga upang tiyakin na ang government officials ay ginagawa ang kanilang tungkulin nang may buo at epektibong pananagutan.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like