Latest News

Personal na tinanggap ni Mayor Honey Lacuna ang award bilang Outstanding Public Servant 2023 mula kay Diamond Golden Peace Care Good Heart World Class Global Award International Philippines, Inc. founder and chairperson Baby Go, habang nasa tabi niya si Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

Mayor Honey, ginawaran ng award biland ‘Outstanding Public Servant 2023’

ITINANGHAL na ‘Outstanding Public Servant 2023’ si Manila Mayor Honey Lacuna.

Ang karangalan ay iginawad ng Diamond Golden Peace Care Good Heart World Class Global Award International Philippines, Inc., sa pangunguna ng chairperson nitong si Baby Go, at inanunsyo sa 4th Diamond Golden Awards Night nitong nakaraang linggo.


Ibinigay ang karangalan sa lady mayor sa regular na flag-raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes.

Sa kanyang personal na pagtanggap ng karangalan ay pinasalamatan ni Lacuna ang award-giving body para sa nasabing pagkilala.

Ibinahagi ni Lacuna ang karangalan sa kanyang mga opisyal at pati na sa mga kawani ng lungsod na ayon sa kanya at palaging nakasuporta sa kanya at sa kanyang mga programa para sa lahat ng residente ng Maynila.


Sinabi pa ng alkalde na ang karangalan ay para sa lahat ng city government workers at umaasa siya na magsisilbing inspirasyon ang karangalang ito upang higit pa silang magsikap sa pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa publiko.

Mahigit na 150 kinikilalang mga indibidwal at organisasyon mula sa iba’t-ibang sektor ang pinarangalan ng nasabing foundation.


Ang mga ito ay nagmula sa sektor ng business, government service, media, politics at entertainment maging mga personalidad mula sa iba’t-ibang larangan. (JERRY S. TAN)


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like