Masayang pinalibutan ng mga estudyante sina Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at Rep. Benny Abante, Jr. (6th district) sa groundbreaking ng bagong V. Mapa High School.

MAYOR HONEY: “ATING SINISINOP ANG PONDO DAHIL AYOKO MANGUTANG”

By: Jerry S. Tan

“ITO na, sa wakas. Kinailangan po nating sinupin ang pondo dahil ayoko mangutang.”

Ganito ipinaliwanag ni Manila Mayor Honey Lacuna kung bakit ngayon lamang mula nang siya ay maupo bilang alkalde, natuloy ang pag-uumpisa ng pagtatayo ng bagong gusali ng V. Mapa High School.


“Atin po munangn sininop ang pondo dahil ayoko mangutang. Gusto ko, sariling sikap natin kasi gusto ko, mahalin nating mabuti ang ating itatayong paaralan,” ani Lacuna sa kanyang mensahe sa harap ng mga mga estudyante, guro at kawani ng nasabing paaralan.

Kasama ni Lacuna sina Vice Mayor Yul Servo at Congressman Benny Abante, Jr. sa groundbreaking ng bagong seven-storey building ng Victorino Mapa High School sa San Miguel, Maynila

Aniya, ang kabuuang halaga ng proyekto ay P298,961,618.01 at ang target na petsa na ito ay matatapos ay sa May 2026 . May 21,000 square meter floor area ang laki ng proyekto.


Binigyang-diin ni Lacuna na medyo natagalan bago sinimulan ang proyekto dahil kailangang sinupin pa ang mga available na pondo at ayaw na ayaw umano niyang mangutang o ilagay sa kompromiso ang lungsod sa utang.

“Hindi naman kailangan na 10 storeys para lang masabing maganda. Ang kailangan lamang po natin ay pito, may allowance pa para sa mahigit 2,700 mag-aaral na pasok sa ideal classroom size na 35 estudyante kada classroom,” dagdag pa ng alkalde.


Ipinagmalaki ni Lacuna na ang ang bagong gusali ay magkakaroon ng 162 classrooms na sapat para mag-accomodate ng posibleng karagdagang mga estudyante sa hinaharap, kabilang na ang facilities para sa 159 teachers at 27 non-teaching personnel, science classrooms and laboratories, library, gym, canteen, auditorium and elevators, at iba pa.

Habang ginagawa ang main building ng bagong paaralan, ang klase ay gagawin muna sa annex building na kalaunan ay gagamitin naman ng senior high school students. Ang campus complex project ay pinondohan ng Special Education Fund FY 2024 Division of City Schools Manila.


Sa kanyang mensahe ay nagpasalamat na rin kaagad si Lacuna kay sixth district Congressman Benny Abante, Jr. na ayon sa kanya, ay nangako na ng suporta sa nasabing proyekto. SI Abante ay alumni ng nasabing paaralan.

Pinapurihan din ng alkalde si Cong. Abante sa walang sawa nitong pagsuporta sa lahat ng programa ng kanyang administrasyon, lalo na kung para sa kapakinabangan ng mga residente ng sixth district ng Maynila.

“Para talagang kumpleto, palalagyan din natin sa City Council, sa ating mga congressman, at sa charitable donors ng satellite internet dishes at fiber internet para sa high-capacity internet access for the whole campus population. Hindi kakayanin ng isang satellite dish lang para sa dami ng mga estudyante at personnel,” ani Lacuna.



Hinikayat ni Lacuna ang campus community sa pangunguna nina school principal Edmund Villareal at Division of City Schools Manila OIC Cristito Efo na ituloy lamang ang pagsuporta sa mga education at social welfare programs ng pamahalaang-lungsod.

Aniya: “With Manila’s Special Education Fund, we will include V. Mapa High School in the provision of the needed smart TVs, desktop computers, printers, riso machines, and specialized printers for the student publications. Magpapatuloy ang allowances para sa Grade 12 students, education assistance para sa qualified na mag-aaral, at mga social amelioration programs kung saan qualified ang mga miyembro ng V. Mapa High School campus community,.

May mga iba pang school building projects na ginagawa na sa ilalim ng administrasyon ni Lacuna at ayon sa kanya, “Napasinayaan na natin ang sampung palapag na gusaling paaralan ng Manila Science High School, Rosauro Almario Elementary School, at sa Dr. Alejandro Albert Elementary School.”

Dagdag pa niya: “Tayo ay nagpapatayo ng mga bagong gusali para sa President Ramon Magsaysay High School, Emilio Jacinto Elementary School, at Aurora A. Quezon Elementary School. Sinundan iyan ng pagpapagawa ng mga gusali para sa Isabelo delos Reyes Elementary School at Victorino Mapa High School.”

Tags: Jr., Mayor Honey Lacuna, Rep. Benny Abante, Vice Mayor Yul Servo

You May Also Like