Si Mayor Honey Lacuna nang maagap na rumesponde sa mga nasunugan sa Tondo.

MAYOR HONEY AT VM SERVO, MABILIS NA UMAYUDA SA 1,800 PAMILYANG NASUNUGAN SA TONDO

By: Jerry S. Tan

Mabilis na rumesponde sina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, gayundun ang mga konsehal ng lungsod nang personal nilang tinungo ang pinangyarihan ng dalawang sunog sa Tondo nitong Sabado, upang alamin kung anong klase ng tulong ang kakailanganin ng mga biktima, lalo’t malaki ang mga naganap na sunog.

Inaalo nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang isang biktima ng sunog nang magtungo sila sa mismong pinangyarihan ng sunog nitong Sabado. (JERRY S. TAN)

Kasama din nila sina social welfare department chief Re Fugoso at Arnel Angeles, hepe ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).


Ayon kay Fugoso, ang mga apektadong pamilya ay kinailangang mag-fill out ng ‘family disaster cards’ para sa registration, record at pag-alam ng kanilang sitwasyon at mga pangunahing pangangailangan.

Binigyang direktiba rin ni Lacuna ang lahat ng concerned local government units para magbigay ng lahat ng kinakailangang tulong na maaaring maibigay ng lungsod sa mga biktima. Maging si Servo ay pinakilos na ang kanyang ‘Lingkod-Bayan’ team upang tumulong sa mga nasabing city units.

Pagkatapos ng sunog, ang mga apektadong pamilya ay dinala sa evacuation centers kung saan sila binigyan ng pagkain, tubig at iba pang pangangailangan nila, pati na rin ng partition tents bilang pansamantalang tirahan.


Sinabi ni Fugoso na inatasan na siya ni Lacuna na simulan na ang pag-proseso ng bawat pamilyang naapektuhan ng sunog para makatanggap sila ng cash aid mula sa pamahalaang- lungsod.

Sinabi ng lady mayor na inaasahan nilang makakatulong ang tulong punansiya sa mga apektadong pamilya para magsimulang muli.


Aniya, ito ang munting paraan ng pamahalaang-lungsod upang ipadama na may karamay ang mga nasunugang pamilya.

Habang nasa pansamantalang tirahan, sinigurado ng alkalde na ang lokal na pamahalaan ay patuloy na magkakaloob sa kanila ng lahat ng posibleng tulong.


Ang sunog ay nagsimula ganap na 11:44 a.m. sa Aroma Road 10 sa Vitas,Tondo, nitong Sabado habang ang isa pang sunog sa Balintawak Street sa Tondo ay ganap na 2:30 p.m. Walang nasawi o nasugatan sa parehong sunog. Inaalam pa ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog, pati na ang total estimated damage sa mga ari-arian.

Samantala, sinuspindi ni Lacuna ang face-to-face at online classes sa Gen. Vicente Lim Elementary School ngayong Lunes (Sept. 16, 2024) dahil pansamantalang ginagamit ito bilang evacuation center ng mga pamilyang nawalan ng tirahan, ayon sa tagapagsalita ng alkalde na si Atty. Princess Abante.

Anu Abante, magkakaroon ng make-up classes para sa 3,900 mag-aaral ng nasabing paaralan at ang pagbabalik ng klase ay agad namang iaanunsyo ng pamahalaang-lokal.



Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Latest News